CHAPTER 21

1.5K 39 0
                                    

Paulette's POV

Sa bilis ng pagpapatakbo ni Marky at napapakapit ako sa seatbelt ko. Pakiramdam ko nga parang lumilipad nalang sa hangin ang kotse niya. Nagpapasalamat ako na hindi masiyadong maraming sasakyan sa kalsada, baka kasi magkarambola ang sasakyan ni Marky at sasakyan ng mga nakakasalubong niya.

"Dahan-dahan naman sa pagmaneho Marky, pakiramdam ko liliparin ang kaluluwa ko sa bilis mung magpatakbo." Inis na sabi ko sa kaniya. Wala pa rin siyang kibo. "Makakarating din naman tayo sa lugar na pupuntahan mo."

Muli ay tahimik lang siya, nakatuon ang paningin niya sa kalsada. Nilingon ko siya. Napakalim ng iniisip niya, panay ang buntong hininga niya.

"Marky ihinto mo nalang sa gilid," sabi ko ng madaanan namin ang isang park. "Please."

Akala ko ay hindi niya ako papakinggan pero nagkamali ako. Itinabi niya sa gilud ang kotse saka idinukdok ang ulo sa manebela. Tinitingnan ko lang siya. Itinaas niya ang kaniyang ulo saka hinilamos ang sariling palad sa kaniyang mukha.

"Bakit naging ganito? bakit pa nagkaruon ng ganito?" aniya at sinabunutan ang sariling buhok. "All this time ay niloloko lang pala kami no daddy, kung hindi namatay si ate ay hindi ko malalaman ang tinatago niyang sekreto."

"Baka may purpose ang daddy mo kaya niya siguro itinago sa inyo." Sabi ko sa kaniya.

"Purpose? Anong klaseng purpose naman iyon kyuap?" tiningnan niya ako. Iniwas ko ang paningin ko dahil hindi ko ngayon kayang salubungin ang galit niyang mga mata. "He lie to us, he betray us. I though he is a good father. Sobrang laki ng tiwala ko sa kaniya, sobrang laki ng paghanga ko sa kaniya tapos sa ganito pala ang gagawin niya?"

"Huwag ka namang magsalita ng ganiyan sa daddy mo kyuap. He is still your father, naging mabuti rin naman siyang tatay sa inyo diba? naging mapag-arugang ama naman siya sa inyo despite of what he did." Sabi ko.

"Oo nga, sabihin na nating mabuti siya pero lahat ng kabutihan niyang iyon at nawala sa ginawa niya." Galit niyang turan.

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon