CHAPTER 64 - The Truth will Reveal -PART 1

992 24 8
                                    

CHAPTER 64 -
THE TRUTH WILL REVEAL
PART 1

KIER MARKY CASTILLO'S POV

"BWESET!"

Napatingin ako kay Sharlinie na nagdadamog habang tinatanggal ang sandals nitong suot at binabato lang kung saan. Kakarating niya pa lang at bad trip na bad trip ang mukha niya. Nagpaalam siya sa 'kin na puntahan niya daw ang kaniyang ama para ipaalam na nanganak na siya. Kaya ako muna ang nagbantay kay baby Havayana habang wala siya.

"Hoy Castillo!" sigaw niya sa 'kin at galit na galit akong tinapunan ng tingin. "Siguraduhin mo na lalayuan mo na talaga ang babaeng 'yon ha! Ayokong lumalapit lapit ka pa sa kaniya!"

"Bakit ba na ungkat na naman siya?" Inilapag ko si baby sa crib nito at hinarap si Sharlinie. "Hindi ba't pinag-usapan na natin siya? hindi ba't nangako ka na wala kang gagawin sa kaniya hangga't hindi ko siya nilalapitan?"

"Hindi ko matiis e! basta! layuan mo siya. Ayoko ko na makikipagkita ka pa sa kaniya."

Bumuntong hininga ako. Umaandar na naman ang insecurities ni Sharlinie "Napag-usapan na natin ang bagay na 'to Sharlinie. Nakakasawa na, paulit-ulit na. Hindi ko na siya nilalapitan diba? ano pa ba ang gusto mung gawin ko ha?"

"Ang layuan nga siya. Ako ang asawa mo kaya dapat na sa akin ka. Maliwanag ba?"

"Bahala ka sa buhay mo." Pumasok ako sa banyo saka binalibag ang pintuan. Nakakainis na, hindi na ako natutuwa sa inaasta ni Sharlinie.

Napag-usapan na namin ang bagay na 'to. Kahit gusto kung puntahan si Paulette ay tinitiis ko para lang manahimik si Sharlinie, pero kahit pala na nanahimik na ako, siya naman itong ungkat ng ungkat para lang may pag-awayan.

"Aalis ako," paalam ko sa kaniya ng matapos na akong maligo. "May pupuntahan lang ako."

"At saan naman?" mataray na naman nitong tanong.

"Dapat mo pa bang malaman?"

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon