CHAPTER 29
PAULETTE'S POV
MAKALIPAS ang tatlong araw ay masasabi kung naging maayos na kami ni Marky, hindi na siya nagagalit sa akin. Sweet siya kahit may sakit siya pero ngayon magaling na siya.
Dahil na ilibing na rin naman si ate Alina ay balik eskwela na ulit ako. Kailan ko pa ngang habulin ang mga na skip kung lessons dahil baka bumagsak ako sa exam. Gusto ko pa naman na makapagtapos na ako, gusto ko ng maging nurse.
As usual, nag-aayos na ako ng mga dadalhin ko sa school. Nang makababa na ako ay nakita ko si Marky na nakaupo sa sofa habang inaayos ang kurbata niya. Nang mapansin niya ako ay kaagad siyang tumayo saka lumapit sa akin.
"You're so really beautiful today," saka niya ako hinalikan sa noo. Naramdaman ko ang biglang pag-init ng mukha ko saka ang puso ko tumatalon-talon na naman sa kilig.
"Ang agang pakilig Marky ah," sabi ko. "Tara na?"
"Hindi ka kakain ng breakfast?"
"Sa school nalang. Ikaw kumain ka na?"
"Nag-coffee na ako," tinanguan ko siya. "Be good in school. Nabalitaan ko ang nangyaring sagupaan niyo noon ni Selena."
"Nalaman mo pa 'yon?" umirap ako. "Hayaan mo hindi na mauulit."
"Good." Inakbayan niya ako saka lumabas kami ng bahay.
Pagkarating sa school ay hinatid lang ako ni Marky hanggang sa parking lot. Papasok na rin kasi siya sa trabaho dahil tatlong araw na siyang hindi nakapasok, baka raw marami na siyang meeting na na cancelled.
Habang papasok ako sa loob ay gano'n pa rin ang mga estudyante, hindi maiiwasang hindi ka nila tingnan kapag dumadaan ka. Sinusuri ang kabuuan mo at kapag may nakita sila ay pipintasan ka. Pagkarating ko sa room ay si Selena kaagad ang nakita ko. Nakaharap siya sa libro, seryosong nagbabasa.
Inalis ko ang paningin ko sa kaniya saka nagtungo sa upuan ko. Nilabas ko ang libro ko saka nag-umpisang magbasa hanggang sa dumating na ang prof.
Buong araw ay puro quiz ang sumalubong sa akin. Buti nalang may na isagot ako pero hindi ko alam kung tama ang mga iyon. Tumayo ako saka lumabas ng room at sakto naman na pumasok si Selena.
Nakalabas na siya bumalik ulit?
Inirapan ko siya ng makita kung tiningnan niya ako. Bumulong-bulong naman siyang pumasok sa loob.
Pakiramdam ko bumalik ako sa dati, iyong ako na walang kaibigan noon maliban kay Selena. Nakikita ko ang sarili ko ngayon sa dating ako kapag nandito ako sa school, wala kasi akong kaibigang nakakasama ngayon, hindi ako nakikipag-kaibigan dahil ang mga kaibigan ay siya rin namang ta-traydor sa 'yo.
Buti nga ngayon hindi na nila ako binu-bully, subukan nila akong i-bully kakalbuhin ko sila.
"Pau!"
Huminto ako pero hindi ako lumingon sa tumawag sa akin.
"Buti nalang na abutan kita. How are you?" nakangiting sabi ni Smith. Napataas ang kilay ko.
"What do you want?"
"Here," tiningnan ko ang inabot niya sa akin. Isang kumpol na puting rosas saka may kasama pang teddy bear na maliit. "Sana tanggapin mo."
"Para saan? bakit mo ako binibigyan ng ganiyan?"
"Ahm. Para sana humingi ng tawad sa nagawa ko. Sorry kung nag-away kayo ni Kier."
"Ah, okay." Naglakad ako, hindi ko kinuha ang binibigay niya.
"Pau!"
"Ano?"
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...