CHAPTER 31
RHEIM'S POV
"OH PARENG Smith napatawag ka? na miss mo yata ako?" masiglang ani Steve sa kabilang linya.
Dahil parang lutang at wala ako sa sarili ay kusa nalang gumalaw ang kamay ko saka tinawagan si Steve. Nakakahiya man na ipaalam sa kanila ang nararamdaman ko ngayon ay ipagsawalang bahala ko nalang.
Kailangan ko sila.
Kailangan ko ngayon ng taong makikinig sa akin, mapagsasabihan ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon, mapapayuhan ako sa dapat kung gawin."Busy ka ba ngayon?"
"Hmm. Hindi naman masiyado. Ba't mo na tanong?"
"Magkita tayo sa bar, malapit sa mall."
"Ha? iinom ka?"
"Oo."
"Sigurado ka? Nang ganito kaaga?"
"Oo."
"Talaga?"
Humigot ako ng malalim pa na pasensya dahil pakiramdam ko mapipikon ako sa paulit-ulit na tanong sa akin ni Steve.
"Oo. Pupunta na ako do'n, see you, bye!"
Ibinaba ko na kaagad ang linya. Baka kung ano na naman ang sasabihin niya. Pagtingin ko sa screen ng cellphone ko ay nakita ko ang mukha niyang nakangiti. Kuha pa ito five years ago. Noong araw na sinagot niya ako.
Malungkot akong ngumiti, pinindot ko ang gallery saka tiningnan ang mga larawan naming magkasama.
Iyong saya sa mga mukha namin noong araw na iyon ay ibang-iba sa ngayon. Ang mga ngiti na hindi mo makikitaan ng kaplastikan, tunay na tunay ang mga ngiti naming dalawa. Halatang inlove na in love kami sa isa't isa. How I wish we can go back to the past.
Nilipat-lipat ko ang mga larawan naming dalawa na kahit kailan, hindi ko pinagsasawaang tingnan. Isa ang mga larawan na ito ay bahagi na ng buhay ko. Ang mga larawang ito ang nagpapangiti sa akin sa mga oras na nalulungkot ako. Ang mga larawang ito ang nagpapabalik sa akin sa nakaraan kung saan masaya pa kaming dalawa.
Tumigil ako sa paglipat dahil nakita ko ang larawan kung saan magkalapat ang aming mga labi.
Kailan kaya mangyayari itong muli?
Kailan ko kaya matitikman ang matamis mung labi?
Inilapag ko nalang sa upuan ang cellphone ko dahil pinapahirapan ko lang ang sarili ko kapag titingnan ko ang laman ng gallery ko kung saan naro'n lahat ang mga masasaya naming alaala.
Pinasibat ko ang kotse papunta sa lugar kung saan kami magkikita ngunit ng makarating ako ay sarado pa. Sakto namang pagdating ni Steve kasunod si Kean.
"Paano 'yan sarado pa?" tanong ni Steve saka sumandal sa kotse niya.
"Pwede sa bahay niyo?" tanong ko pabalik sa kaniya.
Umalis siya sa pagkakasandal saka ako tiningnan ng maigi. "May problema ba?"
"Oo." Deretso kung sagot. Lumapit si Kean kay Steve at may ibinulong rito na hindi ko narinig.
"Tara. Let's make a party tonight!" masiglang sabi ni Steve.
"Tulig, umaga pa." Sita sa kaniya ni Kean. Inambaan niya naman ito ng suntok.
Tinalikuran ko silang dalawa. Sumakay ako aa kotse ko at pinasibat iyon papunta sa bahay nina Steve. Sumunod naman silang dalawa sa akin.
Pagkarating ay hinintay ko munang pumasok si Steve, pero hindi pa naman nakakababa ng kotse nito si Steve ay may babaeng lumabas ng bahay nila.
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...