CHAPTER 18
Rhay Stephen Tuazon's POV
"Pammy!"
"Bakit?"
"I love you, I really really love you pammy."
Hindi ko mapigilan ang pag-ngiti ko ng sabihin iyon sa akin ni Alina habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko.
Nanunuot sa puso ko ang mga katagang sinabi niya sa akin, nanghihina ako at bumibilis ang tibok ng puso ko sa mga salita niya.
"Mahal din kita pammy ko." Sabi ko sa kaniya saka hinawakan ang pesngi niya. Ngumiti siya sa akin. Ngiti palang niya ay nakakapag-panginig na ng puso ko.
"If ever na hindi tayo ang magkakatuluyan sa huli ay huwag mo akong kalimutan ha?"
Kinunutan ko siya ng noo saka pinitik ang noo niya. "Bakit naman kita kakalimutan? Kahit anong mangyari ay ikaw lang ang tinitibok nitong puso ko. Walang makakapag-palayo sa ating dalawa."
Ngumiti siya tyaka pinisil ang ilong ko. "Kinikilig ako pammy."
"Halata naman eh. Makikita mo pa nga lang ako ay kinikilig kana. Paano nalang kung halikan kita baka maihi ka."
"Ewwness ka." Tumawa siya ng malakas. Ang mga tawa niya ay nagbibigay sa akin ng magandang pakiramdam. Ang mga tawa niyang hinding-hindi ko makakalimutan. Ang mga tawa niyang ako ang naging dahilan.
"Kuya." Tahimik lang akong nakatingin sa larawan niya na hawak ko. Larawan niyang nakangiti ng sobrang tamis. Mga ngiting hindi ko na makikita. "Umiiyak kana naman kuya." Umupo si Pau sa gilid ko saka hinawakan ang mukha ko. Pinahid niya ang hawak niyang tissue sa pesngi ko para pahiran ang mga luha kung hindi parin tumitigil sa pag-agos. "Ayaw ni ate Alina na nakikita kang umiiyak kuya."
Tiningnan ko siya sa mata. "Bakit iniwan niya ako kung ayaw niya akong makitang umiiyak?" tanong ko sa kaniya at umagos nanaman ang mga luha ko. Kumukurap ang pilik mata niya habang pinipigilan na huwag maiyak. "Masakit tanggapin Pau na sa tagal naming ipinaglaban ang pagmamahalan namin ay dito lang pala kami magtatapos. Bakit ganito? bakit kailangan pa na humantong sa ganito?"
"Maybe hanggang dito lang talaga ang journey ng relasyon ninyo." Umiwas siya ng tingin.
"Siguro nga ay tama ka." Binaling ko ang tingin sa kabaong kung saan siya nakahiga. Naninikip nanaman ang dibdib ko sa t'wing nakikita kung nakahiga siya doon. "Pero napakahirap tanggapin." Yumuko ako at pinunasan ang luha ko saka ibinalik muli ang tingin ko sa larawan niyang nasa ibabaw ng kabaong. "Nahihirapan akong paniwalain ang sarili kung wala na talaga siya. Gusto kung samahan siya sa higaan niya, gusto kung tabihan siya at yakapin saka sabihin na mahal na mahal ko siya. Na handa akong samahan siya sa kabilang buhay para lamang hindi siya mag-isa."
Niyakap agad ako ng kapatid ko ng mahigpit. Ang mga yakap niya ang nagsisilbing sandalan ko ngayon. Ang mga yakap niya na nagpapalakas sa akin ngayon.
"Hindi natin hawak ang buhay natin kuya, may oras talaga na may mawawala sa mahal natin sa buhay. Ang paraan nalang doon ay kalimutan dahil kahit umiyak pa tayo ay hindi na muling mabubuhay ang taong nawala na."
Napayuko ako at umiyak nanaman. Tama siya, kahit anong iyak ko ay hindi na siya mabubuhay pa. Pero bakit kailangang siya pa? bakit ganito pa kaaga? bakit ganito kasakit?
Tumayo ako at lumapit sa kabaong niya. Panay lang ang tulo ng mga luha ko sa pesngi ko. Tiningnan ko ang itsura niyang payapang natutulog. Agad kung kinagat ang kamao ko dahil parang gusto kung sumigaw sa sakit, magmakaawa na sana ay bumangon siya sa kinahihigaan niya.
"Alina," hinaplos ko ang salamin, sana mukha niya ang hinahaplos ko ngunit pero hindi na iyon mangyayari pa kasi may salamin ng nakaharang. "Hindi ko kaya. Hindi ko alam kung paano ko kakayanin ang kalimutan ka. Bakit ganito? bakit iniwanan mo nalang akong ganito? bakit nag-iwan kapa ng matinding sakit?" dinikit ko ang mukha ko sa salamin at hinayaan ang mga luha kung tumulo sa salamin. "Nararamdaman mo ba ang mga luha ko ngayon Alina? nararamdaman mo ba ang sakit sa bawat luhang lumalabas sa mata ko? ang mga luhang pumapatak sa salamin nakaharang sa mukha nating dalawa?" kinagat ko ang labi ko at humagolgol. Niyakap ko ang braso ko sa kabaong niya. "Ngayon niyayakap kita pero hindi katawan mo ang yakap ko, yakap ko nalang ang kabaong ito na hihigaan mo habang buhay. Gusto na kitang mayakap, gusto ko ng mahawakan ang mukha mo, gusto ko ng makita ang mga ngiti mo. Alina please, kung nandyan ka, bumalik kana please, nalulungkot na ako, nasasaktan na ako. Ang sakit sakit na Alina."
Pinikit ko ang mata ko baka sakaling makita ko siya kahit sa panaginip lang, masilayan kung muli ang itsura niya kahit sandali lang. Sa pagpikit ko ay kadilim lang ang nakikita ko, kasing dilim ng mundo ko ngayon. May tyansa pa kayang lumiwanag ang buhay ko ngayon wala na ang nagbibigay sa akin ng liwanag para ipagpatuloy ang buhay ko rito sa mundo? may pag-asa pa kayang mawala ako sa lungkot na ito? sa sakit na ito?
Masakit sa part ko ang pag-iwan niya sa akin ng ganito, gusto kung sisihin ang may gawa no'n sa kaniya kaso ay hindi ko magawa dahil ang gumawa no'n ay kapatid ko. Nang dahil sa walang kwentang ginagawa niya ay humantong ang lahat sa ganito.
"Babalik ka pa ba Alina?" tanong kung muli na akala mo'y sasagutin niya ako. "Kasi kung totoo man ang reincarnation ay handa akong hintayin at hagilapin ka sa mundong ito kapag bumalik kana."
Kahit nagmumukha na akong tanga rito ay wala akong pakialam. Ramdam ko mga matang nakatingin sa akin ngunit binabaliwala ko lahat ng iyon. Gusto kung mag-isa sa oras na ito. Gusto kung umiyak hanggang sa maubos lahat ng luha ko.
******
To be continued...
Sorry kung maiksi lang ha? Subukan kung habaan next chapter. Salamat!
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...