CHAPTER 36 - A TRIALS

1.1K 23 0
                                    

CHAPTER 36

ISANG LINGGO na ang nakalipas pero pakiramdam ko, nasa araw pa rin kami kung kailan nangyari ang hindi inaasahang mangyari sa buhay niya.

Akala ko pa naman ay magiging masaya na ang mga araw naming magkasama, akala namin magtatagumpay ang kasalang matagal na naming inaasam na mangyari ngunit sa isang iglap lamang ay gumuho ang mga akalang inaakala namin.

Hindi na natuloy pa ang kasal namin. Kahit masakit para sa akin na 'wag na ituloy ang kasal ay hindi ko na itinuloy. Kasi naman, hindi ko pa rin nakikita ang kasiyahan sa mukha niya.

Simula no'ng mawalan siya ng paningin, hindi na siya nagsasalita. Kasabay ng pagkawala ng paningin niya ay ang pagkawala ng sigla niya. Halos lunurin na niya ang sarili sa kalungkutan at sakit. Walang araw na hindi siya umiiyak. Nasasaktan ako sa t'wing pinipilit niya na pigilan ang kalungkutan kapag kinakausap ko siya. Kapag nakatalikod ako, do'n niya nilalabas ang hinanakit niya sa mundo.

I'm afraid, natatakot ako na baka dumating ang araw na bumalik ang sakit niyang ayaw na ayaw na niyang balikan pa. Natatakot ako na baka magiging dahilan ang pagkawala ng paningin niya para masira ang buhay niya. Natatakot ako na baka isang araw, pinipilit niya nalang ang sarili niyang ngumiti para ipakita sa mundo na okay na siya pero sa kaluobluoban niya ay lugmok na lugmok. 'Yong tipong gusto niyang umahon sa pagkakalunod ngunit hindi niya kayang iahon pa'ng muli ang buhay na gusto niya.

Ngayon, nasa hospital pa rin kami. Kahit sinabi ng doctor na pwede ng i-discharge ang pasyente ko ay hindi ako pumayag. Nang makita ko ang sunog niyang balat sa mukha ay kaagad akong nagpa- scheduled na operahan ang mukha niya. Ibalik ang dating kinis ng mukha niya. At kahit anong paso ay ayaw kung may makita pa sa mukha niya. Kaya naman noong nakaraang araw ay in-opera-han na siya. Gustohin ko mang opera-han na rin ang mata niya para makakita siyang muli ang kaso ay hindi pwede.

Sa kadahilanang wala pa rin kaming nakikitang donor ng mata para mag compatible sa mata niya. Gusto kung magalit sa d'yos kung bakit ipinaranas niya ang ganitong paghihirap sa kaniya. Bakit siya pa? bakit ang babaeng mahina pa? Pwede naman na ako nalang, ako nalang ang mawalan ng paningin dahil alam ko na makakaya ko. Pero siya, hindi niya kaya. Ang mga luhang tumutulo sa pesngi niya ay nagpapadurog ng puso ko. Nakakadurog ng puso ang mga hikbi niya, ang mga ngiting hindi naman tunay na ipinapakita niya sa akin.

Pakiramdam ko ay napakawalang kwenta kung tao dahil napapabayaan ko siya. Kahit aksedente lang ang lahat ay gusto kung sisihin ang sarili ko.

Pabagsak kung inilapag sa babasaging lamesa ang wine glass na hawak ko. Nasa bahay ako ngayon, umiinom para tanggalin ang galit dito sa puso ko. Nagagalit ako sa hindi ko alam na dahilan. Isinandal ko ang likod ko sa sofa saka tiningnan ang kisame. Mukha niyang malungkot ang nakikita ko ro'n. Kaagad na napayukom ang mga palad ko. Padiin kung ipinikit ang talukap ng mata ko at do'n ay umagos ang luhang isang linggo ko ng pinipigilan.

Kahit ano palang pagpigil ko sa emosyong ito ay lalabas at lalabas pala. Napakasakit tanggapin na nangyari ang lahat ng ito. Pati ang kasal naming gustong-gusto kung mangyari ay hindi natuloy. Ang kasal na matagal ko ng pinapangarap, ang pangarap na makasal sa babaeng pinaka-mamahal ko.

Akala ko 'yon na talaga e. Pakiramdam ko tuloy, hindi ako ang para sa kaniya. Na gumawa ang tadhana ng paraan para hindi matuloy ang kasal naming dalawa.

Lalong dumiin ang pagkakapikit ko nang humagolgol na ako. Ang hirap, ang sakit. At kahit anong gawin ko ay hindi ko na nakikita pa ang saya sa mukha niya. Gusto lang naman niyang maging masaya diba? Pero bakit lahat nalang 'yata ng pagsubok ay pagdadaanan niya.

Sa totoo lang, sobrang bait niyang tao. Kahit nasasaktan na siya ay sinisikap niya pa rin na ipakita sa mga taong nang-aapi sa kaniya noon na matatag siya. Na tipong pinaglaruan na siya noon ng taong una niyang minahal, sa huli, pinatawad niya pa rin ito. Kaya bakit sa kaniya pa? sa kaniya pa ipaparanas ng d'yos ang ganito?

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon