CHAPTER 65
THE TRUTH WILL REVEAL
PART 2KIER MARKY CASTILLO'S POINT OF VIEW
PAGKATAPOS ng kaguluhang nagawa namin sa bahay nila Paulette ay nagkulong nalang ako buong maghapon sa kwarto. Hindi ako lumabas, hindi ako kumain, wala akong pinapansin na kahit sino sa bahay na 'to. Dinamdam ko ang kahihiyan na ginawa namin ni Sharlinie sa bahay nila Paulette. Hindi ko naman talaga alam na susundan pala ako ni Sharlinie. Plano ko lang naman sana na dumaan lang do'n at kamustahin si Paulette saka pupunta ng hospital kaso sakto namang sulpot ni Sharlinie.
At si Sharlinie? hindi ko kinakausap buong maghapon. Pinasok niya pa ako sa kwarto ang humingi ng tawad sa pag-eskandalo niya sa bahay nila Paulette. Nagseselos daw siya kaya nagawa niya 'yon. Mahal na mahal niya daw kasi ako kaya natatakot siya na baka makuha daw ako ni Paulette sa kanita lalo na't nakikipaghiwalay na daw ako sa kaniya. At do'n ay sinabi ko sa kaniya na wala talaga akong nararamdaman sa kaniya at pinipilit niya na meron daw dahil sa kaniya pa rin daw ako umuuwi. Umiiyak siya at nagmakaawa na mahalin ko siyq, na mahalin ko siya kagaya ng pagmamahal ko kay Paulette kaso hindi ko namab kaya 'yong gusto niya kaya sinabi ko na wala na talagang pag-asa sa aming dalawa. Nagalit siya at hanggang ngayon, hindi niya rin ako kinakausap. Okay na rin ang ganito para iwas bangayan. Na aawa naman talaga ako kay Sharlinie, dahil alam ko at ramdam ko ang bawat sakit na nararamdaman niya. Kaso hindi ko talaga siya kayang mahalin. Kapag nagmahal kasi ako, isa lang. Minsan lang ako magmahal kaya kahit sino pa ang babaeng nagpupumilit na mahalin ko ay walang mapapala.
Sa pananahimik ko sa kwarto ay napakislot ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Hinayaan ko lang na mag-ring 'yon pero no'ng namatay na ang tawag ay nag-ring ulit. Kinuha ko ang cellphone sa ibabaw ng lamesa at tiningnan ang pangalan ng tumawag at napaupo ako sa pagkakahiga ng makita ang pangalan ni Paulette sa screen.
"Kyuap?" emosyonal kung pagtawag sa tawagan namin. Hindi siya nagsalita pero naririnig ko ang paghinga niya. "Kyuap buti napatawag ka. Pasensya ka na pala sa nangyari kanina ha? hindi ko naman intensyon na magkakagulo sa bahay niyo. Hindi ko din alam na sumunod pala sa 'kin si Sharlinie."
"Marky," sabi niya. At para na namang hinahaplos ang puso ko sa pagtawag niya sa pangalan ko. Naramdaman ko ang pagpitik sa puso ko. Walang duda, siya pa rin talaga. "Siguro mas mabuti ng maghiwalay nalang tayo ng tuluyan."
"Ano?" tila nabibingi kung tanong. Pakiramdam ko may sumuntok sa dibdib ko ng malakas sa pagsikip no'n. "Ano ang sinabi mo kyuap? pakiulit nga."
"Maghiwalay nalang tayo ng tuluyan."
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...