CHAPTER 43

859 16 1
                                    

Chapter 43

Kinabukasan ay tumambay nalang ako sa garden. Sabi kasi ng maid na kinausap ko kanina ay nasa pool area daw si Samantha, nag swimming daw na parang palaka. Natawa nga ako sa sinabi niya e, gigil na gigil pa siya.

Nakaupo lang ako sa upuang bakal, nakatanaw sa hindi ko makitang tanawin. Gusto ko na talagang makakita ulit. Ang lungkot kasi kapag palaging madilim ang nakikita mo. Wala man lang kahit kaunting liwanag.

Kung pwede ko lang sana hingin ang mata ng mga hayop para ilagay sa mata ko ay gagawin ko makakita lang. Ang kaso hindi na 'yon babagay sa itsura ko. Pinanghahawakan ko nalang palagi ang sinabi sa akin ni Marky na hahanapan niya ako ng donor. Dahil alam niya at ramdam na ramdam niya ang lungkot ko. Sinisikap ko nalang na ipakita sa kaniya na masaya ako sa kalagayan ko pero ang totoo, hindi ako masaya. Malungkot ako, malungkot na malungkot.

Bigla ay tumunog ang cellphone ko. Kinapa ko iyon sa bulsa ng short ko at sinagot ang tawag.

''Hi, kamusta?"

Kumunot ang noo ko. Hindi naman boses ni Marky ang nasa kabilang linya. "Sino 'to?"

"Si Rheim 'to, honey."

"Honey?"

"Hahahaha, just kidding." Tumawa pa siya ulit. Bakit parang masaya ang taong ito? "Kamusta ka na? balita ko nasa London daw si Marky?"

"Ah oo, no'ng isang araw lang siya pumunta ng London."

"Hindi ka niya sinama?"

"Ba't niya ako isasama? ako ba makikipag-usap sa client nila?"

"Oh easy," tumawa ulit siya. Baliw na 'yata 'to. "Nasa masyon ka ba nila Marky? puntahan kita."

"Wala ako do'n. Nasa bahay ako ngayon."

"Ah, pwede ba kitang pasyalan?"

"Bakit?"

"Wala lang. Punta ako d'yan ha? 'ge bye." Pinatay niya kaagad ang pero nag ring ulit iyon kaya sinagot ko pero hindi ako nagsalita. "Ano gusto mung dalhin ko?... Oy... ano gusto mo?... psstttt..."

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon