CHAPTER 42

898 25 3
                                    

Chapter 42

PAULETTE'S POV

Sa pag-alis ni Marky papuntang London ay parang may iba. Ibang-iba kasi ang pakiramdam ko at parang sa mga salitang binitawan niya ay may something na pinupunto. Pero hindi ko dapat pag-isipan ng kung anu-ano ang mga sinabi niya. Baka masiyado lang akong nalungkot kaya ganito ang pumapasok sa isip ko.

Isang araw pa lang na wala ang presensya ni Marky ay parang napalungkot. Nasanay ako na nasa tabi ko siya palagi. Walang araw na hindi ko siya nakakasama. Kaya naman kahit isang araw lang ay miss ko na siya.

Nang makaalis si Marky kagabi ay kaagad din naman ang dating ni kuya. Buti na nga lang hindi ako naghintay kay kuya ng matagal. Umalis kami kaagad din sa airport dahil malalim na ang gabi. Alas dos na nga kami nakarating sa bahay.

"Good morning everyone," boses ni Samantha ang na ngibabaw sa malalim na katahimikan. Nasa may pool area ako kasama ang ilang kasambahay na pinakiusapan kung samahan ako rito. "Oh, dito din pala babalik ang basura?" sa boses pa lang niya ay alam ko na na nasa harap ko siya.

"Good morning," pagbati ko sa kaniya.

"Anong good sa morning kung may basura akong nakitang pakalat-kalat dito sa pool?" tumahimik ako. Hanggang ngayon ba ay wala pa rin pinagbago ang babaeng ito?
"Kaya ba nandito ka dahil iniluwa ka na ng mga Castillo?"

Kinapa ko ang tungkod sa gilid ng inuupuan ko saka tumayo. Biglang may humablot sa tungkod ko ng malakas kaya na out of balance ako at natumba.

Malakas na tawa ni Samantha ang dumagundong. "Ang lampa mo namang bulag ka." Tumawa siya ulit. "Bakit ba nabuhay ka pa? puro tuloy paghihirap ang mga dinadanas mo."

"Ibalik mo sa akin ang tungkod ko," nagtitimpi kung sabi.

"Ito ba?" naramdaman kung ipinatong niya sa ulo ko ang tungkod. Kukunin ko na sana ng ilipat na naman niya sa binti ko. "Sikapin mung makuha, bulag." Lalo pa siyang tumawa.

"Pinaglalaruan mo ba ako?"

"Ano sa tingin mo?" inilagay niya sa noo ko ang tungkod at tinulak ang noo ko gamit ang tungkod. "Napaka-bobo mo para bumalik pa dito. Binibigyan mo lang ako ng chance na paglaruan ko ang buhay mo." Hinawakan niya ng mahigpit ang panga ko. "Akala mo nakalimutan na kita? akala mo nagbago na ako ng tuluyan? d'yan ka nagkakamali Paulette. Hindi pa ako tapos dahil nag-uumpisa pa lang ako. Lahat kayo iisa-isahin ko. Lahat kayo pahihirapan ko ng tudo hanggang sa magsawa ako." Pabato niyang binitawan ang panga ko.

"Tuwang-tuwa ka na n'yan sa ginagawa mo? sa tingin mo may mapapala ka sa mga pinanggagawa mo? kaya hindi ka sumasaya Samantha. Dahil masama ka na." Sagot ko sa kaniya.

"Masama? tama ka d'yan. Do'n ako masaya e. Kaya ngayon, manalangin ka na dahil sa bawat oras na nandito ka sa bahay na 'to. Hinding-hindi ko sasayangin ang mga araw na iyon para hindi ka pahirapan. At isa pa," isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko. "Welcome to my world Paulette Coreen. Panigurado, mag i-enjoy ako sa mga laro ko."

Rinig kung papalayo na ang mga yapak niya sa akin. May kamay na humawak sa balikat ko. "Ma'am ayos ka lang po ba?" sa boses pa lang ay alalang-alala ang katulong na ito. "Pasensya ka na kung hindi ko na pigilan ang demonyeta na 'yon, takot kasi ako do'n."

"Okay lang ako, 'wag kang mag-alala." Nginitian ko siya.

Inalalayan niya akong tumayo. "Grabe ang pamumula ng pesngi mo. Tara sa loob muna ma'am. Lalagyan ko ng cold compress."

"Ah, i-upo mo nalang ako sa inupuan ko kanina." Inalalayan niya akong umupo. "Kuhanan mo nalang po ako ng makakain."

"Sige po ma'am."

KINAHAPUNAN ay nagkulong lang ako sa kwarto ko. Wala akong ganang lumabas. Wala naman kasi akong nakikita kaya masabuti ng magkulong na lang dito.

Saka baka makita na naman ako ni Samantha at pag-tripan na naman niya ako. Alam niya kasing hindi ko siya magawang labanan dahil hindi ako nakakakita. Kasalan ng matang 'to kung bakit nagkaro'n ng chance si Samantha na pag-tripan na naman ako.

♪Ako ang ring tone mo ako ang ring tone mo bilisan mo na at sagutin ang telepono mo oh oh♪

♪Ako ang ring tone mo ako ang ring tone mo bilisan mo na at sagutin ang telepono mo oh oh♪

♪Ako ang ring tone mo ako ang ring tone mo bilisan mo na at sagutin ang telepon mo oh oh♪

Kinapa ko ang cellphone sa bulsa ng short ko. Saka pinindot ang accept botton. 'Yong cellphone ko ay may keypad, kaya kabisado kung mag dial ng number at sagutin ang tawag. 'Yon nga lang, hindi ko kayang mag text.

"Sino 'to?"

"Kyuap," bigla ay kumabog ang puso ko. Pagtawag pa lang niya ng kyuap sa akin ay napaka-tindi na ng impact. "Kamusta ka na d'yan? miss na miss na kita kahit isang araw pa lang na hindi kita nakasama."

"Okay lang naman ako dito." Kahit hindi. Ayoko ko kasi na mag-alala ka. "Ikaw kamusta ka d'yan? miss na din kita."

"Okay lang din naman ako dito. Masiyado lang busy kasi ang dami kung inasikaso."

"Akala ko ba may kakausapin lang kayong client d'yan? nakakapagod ba na makipag-usap?"

"Ah hindi sa gano'n. Marami kasing pinagawa sa akin si daddy kanina. Akala ko nga makikipag-usap lang e, may kailangan pa pala kaming asikasuhin dito." Bumuntong hininga siya. "Ikaw ba? anong ginawa mo buong maghapon na wala ako?"

"Nandito lang ako sa kwarto. Iniisip lang kung okay ka lang ba d'yan. Maganda ba ang London Marky?"

"Oo, so far maganda naman pero mas maganda sa pinas, nand'yan kasi ang magandang babaeng minamahal ko."

Bigla ay napa-ngiti ako. Bakit ang lakas niyang mambola? "Pinapakilig mo ba ako Marky?"

"Parang ba?" saka siya tumawa. "Miss na miss na miss na kita. Gusto na kitang mayakap, mahalikan."

"Ako din naman miss ka na."

"Ilang araw na lang naman, makakabalik na ako d'yan. Kaya konting tiis na lang ha?"

"Ano pa nga ba----"

"Kier?" Bigla ay natigilan ako ng may tumawag na boses babae sa pangalan ni Marky. "Let's go."

"Marky sino 'yon?"

"Ha? ah... ano.. secretary ng client ni dad."

"Talaga?"

"Oo.. oo."

"Sino ba 'yang kausap mo Kier? hinahanap ka na ng daddy mo." sabi ulit ng babae sa kabilang linya.

"Hmm kyuap ibaba ko muna 'to ha? hinahanap na daw kasi ako ni daddy. Tatawagan na lang kita ulit mamaya." Parang nababalisang sabi niya. "I love you." Sabi niya sa paraang pabulong.

Nanginginig kung ibinaba ang cellphone. 'Yong kaba ng dibdib ko ay kakaiba.

Wala naman siguro siyang itinatago sa 'kin diba?

*******

To be continued....

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon