CHAPTER 12 - SUCCESSFUL

1.9K 51 3
                                    

CHAPTER 12

Paulette Coreen Tuazon's POV

Matapos ang nangyaring aberya kanina ay natuloy pa rin ang dated na pinaplano namin. Sobrang saya ko dahil lahat ng sweetness na meroon si Marky ay ipinaramdam niya sa akin. Siguro mga bandang 6 pm na ng hapon namin napagpasyahang umuwi.

Narito kami ngayon sa bahay nila Marky, nasa kwarto lang ako nagkukulong dahil ayoko namang lumabas. Alam ko namang wala akong makikitang tao maliban sa mga katulong sa baba dahil nasa hospital ang mommy at daddy ni Marky para bisitahin si ate Alina.

Habang nakadapa ako sa kama ay biglang pumasok si Marky na naka boxer short na at walang saplot sa itaas. Tinaasan ko siya ng kilay sa ginawa niyang pagrampa sa harap ko na akala mo'y matcho dancer.

Sa asar ko ay kinuha ko ang unan sa gilid at ibinato sa kaniya. Sinalag niya naman iyon na natatawa. Kapag talaga sinumpong siya ng pagiging isip bata ay naaasar ako. Ang cute niya kasi tingnan.

Umayos na ako nang pagkakahiga, tumabi siya sa akin at pinatay ang lamp shade sa gilid. Kinuha niya ang ulo ko at ipinatong sa braso niya.

"May natanggap akong mensahe galing sa abogado natin." Panimula niya, nagtataka ko naman siyang tiningnan. "Ang sabi niya ay naka schedule na raw ang hearing ng kaso. Kailangan daw nating um-attend sa hearing."

"Talagang itinuloy ng kaibigan mo ang kaso laban sa akin huh?" nakangisi kung sambit at umayos ng pagkakahiga. "Kailan daw ang hearing?"

"Sa susunod na araw."

"Okay. Pupunta pa ba tayo bukas sa doctor ko?" tanong ko dahil naka schedule bukas ang last teraphy ko.

"Yeah, kaya magpahinga na tayo. Bukas maaga pa tayong pupunta kay Doctor Je." Humarap siya sa akin at binigyan ako ng mabilis na halik sa noo. "Good night my angel. Sweetdreams." He smiled and kissed my forehead again.

"Good night too my demon." Sinamaan niya naman ako ng tingin dahil sa itinawag ko sa kaniya. Hindi ko tuloy mapigilang hindi matawa. "I rephrase it, good night my kyuap. I love you." Hinalikan ko siya kaagad sa  kaniyang labi.

Bumalik ako sa pagkalahiga at hinayaan ang sarili kung makatulog sa mga bisig ni Marky.

KINABUKASAN ay nagising ako sa mahinang pagtapik ni Marky sa aking pengi.

"Good morning my angel," bati niya sa akin na may malawak na ngiti sa kaniyang labi. "Ayaw man kita sanang gisingin kaso lang ay may kailangan tayong puntahan ngayong araw."

"Its okay." Bumangon ako at nagtungo sa banyo. Nag tooth brush ako at naligo na rin.

Pagkalabas ko ay nakabihis na siya. Simpleng maong short pants at kulay puting damit na may manggas. He's so handsome in kind of fashion, siguro kung magiging model ng mga cloth brand si Marky ay siguradong bibinta ang mga products.

"Wear this," aniya at iniabot sa akin ang puting damit din na may manggas. Tiningnan ko iyon at magkapareho sa suot niyang damit. Pang babaeng size nga lang ang sa akin. Inabot niya rin sa akin ang simpleng maong shorts at high cut shoes na kulay itim.

"Iyong totoo kyuap? saan tayong fashion show mag mo-model?" tinawanan niya lang ako sa tinuran ko.

"Binili ko iyan kahapon. Nagandahan ako sa design kaya kinuha ko. Alam ko namang babagay sa 'yo ang mga 'yan."

"Bolero ka talaga!" Tinalikuran ko siya at pumasok ulit sa banyo para isuot iyong damit.

Nang matapos ay tiningnan ko ang kabuoan ko sa salamin. Bagay-bagay sa akin ang pormang ito at may biglang eksena ang pumasok sa utak ko.

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon