CHAPTER 6
Paulette Coreen Tuazon's POV
Nasa gitna na kami ng byahe ngayon papunta sa date daw namin, tahimik lang kaming dalawa habang nasa loob ng sasakyan, wala naman kami kasing mapag-uusapan kaya ito, tahimik nalang muna kami. Halos kulang kalahating oras kaming nasa byahe bago ko napansin ang daan na dinaanan niya.
"Saan ang punta natin, kyuap?" I asked.
"Dadaanan ko lang sana si ate sa hospital, okay lang ba sayo na dalawin muna natin?" I nodded. "Kasi hindi pa ako nakaka-bisita sa kaniya. The last time I visit her when i punched Jazzie's face." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Why did you do that?"
"Because that bastard deserves it. Kasalan niya kung bakit ka nakulong." I sighed in disbelief.
"Kaibigan mo iyon, kyuap."
"Noon. Hindi na ngayon."
Umiiling nalang ako sa sinagot niya. Kilala ko na ang ugaling meron si Marky, kapag kasi sinabi niyang ayaw na niya ay ayaw na niya talaga. Ayaw niyang pinipilit siya sa mga bagay na hindi niya gusto. Ibinaling ko nalamang sa labas ang paningin ko. Noon akala ko si Marky ay isa lamang sa mga taong hahangaan ko. Hindi ko nga lubos inakalang magugustuhan niya ako dispite of what I am is.
Unang araw na nakilala ko si Marky ay sobrang laki na ng pag-hanga ko sa kaniya. He saved me, that day ay binully ako nina Fiona, Sofia and Diana sa may gate ng university kung saan ako noon pumapasok. Sinira ni Fiona ang blouse kung suot noon kaya lumantad ang hinaharap ko. Sinampal naman ako noon ni Sofia dahil malandi daw ako. Sobrang hiyang-hiya ako noon sa ginawa nila, wala akong nagawa noon kung hindi ang umiyak lang, then they come. Dumaan sila kung nasaan ako nakaupo habang umiiyak. Nilapitan niya ako tyaka inakbayan para maitago ang hinaharap ko dahil sira ang blouse ko sa pag pirat ni Fiona. I felt secured that time. I am so thankful dahil dumaan sila. Napangiti nalamang ako. Kaya sobrang mahal na mahal ko siya ngayon. Hindi ako nag-sisisi na nag-mahal akong muli matapos kung masaktan sa kaniya. Akala ko nga noon ay magiging bato na ako sa sakit na ibinigay ni Rheim saakin.
Sobrang mahal ko noon si Rheim kaya nag-karuon ako ng sakit na hanggang ngayon ay dinadala ko. Sana ay hindi ko nalang siya minahal, sana si Marky nalang ang una kung nakilala kesa kay Rheim. Subalit ang mga sanang iyon ay hindi na mangyayari. Minsan kasi sa buhay natin ay lubos nating inaakala na ang taong unang minahal natin ay siya na ang para saatin. Bumubuo pa tayo ng pangarap kasama siya, iniisip na mag-katuon ng ilang anak na siya ang ama at iniisip na siya ang lalaking nakatayo sa gilid ng altar habang hinihintay kang papalapit sa kaniya kaso lahat ng pinapangarap mo ay bigla nalamang palang guguho. Akala mo sobrang tibay na ng itinayo mung pundasyon ngunit nagiba lang sa isang kasalanang hindi mo inaakalang dadating sa relasyon niyo.
"We're here," I snap when Marky tap my shoulder. I smiled when he open the door. He is so gentleman. Inakbayan niya ako habang papasok kami sa loob ng hospital. May ilang mga taong tumitingin sa amin na hindi lang namin pinapansin. Deretso lang kami papasok sa loob.
"Kamusta na ba ang lagay niya?" medyo kinakabahang tanong ko.
"Still in comma." Napalunok ako sa sinagot ni Marky at napaiwas ng tingin dahil sa naramdaman kung guilt. "Sinisisi mo nanaman ang sarili mo kung bakit ganoon ang kondisyon niya?" I nodded.
"Kyuap, don't blame yourself. She did that to save you. Hindi natin alam na gagawin niya iyon para sayo, we should thank her for saving you."
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...