CHAPTER 11 - Kilig moment

2K 41 1
                                    

CHAPTER 11

Paulette Coreen Tuazon's POV

Habang nasa byahe ay walang tigil ang isip ko kakaisip sa mga salitang isinambit niya kanina. Bakit niya iyon sinabi? ano ang purpose niya para sabihin iyon saakin? diba dapat ay kalimutan na niya ako dahil may iba na ako?

I sighed.  Bakit ko nga ba iniisip pa ang bagay na iyon? In fact, hindi na siya ang tinitibok nitong puso ko.

"Shit!" napabaling agad ako ng tingin kay Marky ng marinig ko ang pagmura niya.

"May problema ba?" tanong ko sa kaniya dahil iginilid niya ang kaniyang kotse tyaka niya pinatay ang makina.

Bumaba siya ng kotse na hindi man lang sinagot ang tanong ko kaya't sinundan ko nalamang siya ng tingin at doon nasagot ang katanungan ko. Nang mabuksan niya ang takip sa harap ay lumabas doon ang makapal na usok. Bumaba ako ng sasakyan at tinungo ang kinaruruonan niya.

"Problem?" tanong ko ulit. Kumuha muna siya ng tubig sa kilod ng kotse niya tyaka ibinuhos doon sa may butas.

"Na over heat." Aniya at tiningnan muli ang kotse. Isinarado niya ang takip nito tyaka muling pumasok sa loob ngunit hindi paman siya nakakapasok ay napatigil siya. "The hell!" Inis niyang sambit at may sinipa.

Naglakad nanaman ako kung saan siya at tiningnan ang tinitingnan niya. Flat ang gulong sa harapan at sa tantya ko ay hindi ito kayang imaneho dahil baka lalong may ma damage sa interior.

"Kyuap pwede bang pakikuha ng mga tools sa likod ng kotse?" utos niya saakin.

"Huh? Bakit ayaw mo bang ipa-vulcanize? marunong kabang ayusin iyan?"

"Oo marunong naman ako. Paki kuha nalang." Sabi niya at lumapit na sa may gulong.

Hindi na ako nag protesta dahil sabi niya naman ay marunong siya. Kinuha ko ang tools na pinapakuha niya at ibinigay sa kaniya. Nag pasalamat naman siya at inumpisahan ng tanggalin ang gulong ng kotse niya.

Nakatingin lang ako sa mga ginagawa niya at makalipas ang ilan pang nga minuto ay medyo nakaramdam na ako ng pagkainip.

"Matagal ba pa iyan, kyuap?" inip kung tanong.

"Oo kyuap e, malaki kasi ang damage sa may interior."

"Hindi mo ba pwedeng palitan nalang ang interior?"

"Papalitan ko nga siya kaso ay nagpabili pa ako at ipapahatid ko pa rito dahil wala akong dalang extra na interior." Sagot ni Marky na nasa gulong pa din ang paningin. "Sorry kung madi-delay ng kunti ang date natin."

"Its okay. Naiintindihan ko naman besides, madami pa namang araw na pwede tayong mag date. Pwede din naman kahit mamaya after that." Sagot ko. Tiningnan ko ang lugar kung nasaan kami at parang medyo familiar saakin ang lugar. "Pwede ba akong maglakad-lakad muna kyuap? naiinip kasi ako kakahintay e," pagpapaalam ko dahil parang may kung ano ang nag tulak saakin na libutin ang lugar.

"Sige, basta kyuap 'wag kang lalayo ah? bumalik ka kaagad." Nginitian ko naman siya at naglakad-lakad na.

Hinahayaan ko lang ang mga paa ko na maglakad dahil parang may sarili itong isip. Habang tinitingnan ang lugar ay may iilang imahe ang pumapasok sa isip ko. Dahil sa mga imaheng iyon ay unti-unti ko ng nalalaman kung saang lugar ito.

I was about to come back kung saan ko iniwan si Marky ng may marinig akong nag-uusap sa hindi kalayuan saakin. Nakaupo silang dalawa sa sementong upuan habang nakatanaw sa napakaganda  ng viee ng dagat.

Ang lugar na ito ay isa sa mga paborito daw niya noon. Naaalala ko pa na sinabi niya saakin na ang dadalhin niya lang daw na tao dito sa special place na ito ay special sa kaniya. So that means na iyang kasama niyang babae ay special na sa kaniya? Pero bakit ko nanaman ba iniisip iyon? ano naman ba ang paki ko kung magdadala siya dito ng babae?

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon