this chapter is dedicated to GuiaAshRain hope you'll like it :)
And also, thank you sa inyong lahat sa patuloy na pagsuporta sa storyang ito. Sana hanggang sa dulo ay magkasama tayong lahat!
Enjoy reading!
CHAPTER 37
HABANG buma-byahe ako papunta sa hospital ay paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko ang mga sinabi ni mommy.
Alam ko naman ang lahat ng mga sinabi niya, matagal na namin na napagkasunduan ang mga iyon at mismong si Paulette ay alam ang bagay na iyon dahil no'ng kinausap ako ni dad ay nando'n siya.
Paano ko ba sasabihin sa kaniya ang mga sinabi ni mommy? panigurado kapag nalaman niyang ipapakasal ako sa iba ay masasaktan na naman siya. Sobra sobra na talaga ang paghihirap na naranasan niya kaya naman ayoko ng dagdagan pa ang mga isipin niya.
Ngayon pa nga lang ay hirap na hirap na siyang tanggapin na hindi siya makakakita, paano pa kaya kapag nalaman niyang ipakasal ako sa anak ng kasusyo ni daddy sa trabaho?
Sa totoo lang, mas gustuhin ko nalang na maging mahirap kasi walang business involve sa buhay. Kumbaga, hindi ka pipilitin ng mga magulang mo na ikasal sa araw na gusto nila dahil wala naman silang alam sa mga arrange marriage. Saka, mas gusto ko na simple lang ang buhay ko, hindi mahirap, hindi rin mayaman, iyong sakto lang na walang nangingialam na pamilya sa ka relasyon mo.
~When a blue night is over my face...~
"Hello?" sagot ko sa tawag. Naputol ang pag-iisip ko.
["Pupunta ka ba rito? na-ayos na namin kasi ang bill at ilalabas na namin siya."]
"Yes kuya. Actually, nandito na nga ako sa parking lot ng hospital. Wait for a minute."
["Okay, hinihintay ka niya."]
"Please tell her na malapit na ako. How's she?"
"She's fine."
Napabuntong hininga ako kasi naman ramdam kung sinabi lang iyon ni kuya Rhay para mapanatag ang loob ko. Nagpaalam na ako sa kaniya dahil nandito na rin naman ako.
Bumaba ako sa kotse saka tinahak na ang daan papasok sa loob. Nang makarating sa harap ng kwarto niya ay napatigil ako sa harap ng pintuan. May maliit na salamin ang naro'n sa gitna ng pinto na pwede mo'ng makita ang tao sa loob.
At talagang napahinto ako dahil nakita kung magkaharap si Paulette at Rheim. Si Rheim ay nasa upuan habang si Pau naman ay nakaupo sa kama. Base sa nakikita kung bumubuka ang labi nilang dalawa ay nag-uusap sila. Bigla ay tumawa si Rheim sa sinabi ni Pau saka ginulo nito ang buhok ni Pau.
Kaagad akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Bigla akong nalungkot sa nakita ko. Dahil napangiti ni Rheim si Pau sa hindi ko alam na paraang ginawa niya. Habang nakatingin sa kanilang dalawa ay may mga bagay akong naisip.
Kung hindi ba naging kami ni Pau ay maging sila kaya ulit?
Kasi sa nakikita ko. Gusto pa rin ni Rheim si Pau kaya nga natatakot ako na nag-uusap sila baka sa isang iglap lang, biglang magbago ang nararamdaman ni Paulette sa akin.
Pero syempre, pinanghahawakan ko ang mga sinasabi sa akin ni Pau na ako na ngayon ang mahal niya. Sana, sana ako lang talaga dahil kapag napamahal na siya sa iba, baka ikamatay ko kapag mawala siya.
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...