CHAPTER 58 - His Side
KIER MARKY CASTILLO'S POV
Sa mga buwan na nagdaan masasabi ko kung hindi ako naging okay. Pinipilit kung maging okay. Napakahirap sa 'kin na sa araw-araw akong nagigising ay hindi ko na Nikita ang taong nagbibigay ng ligaya sa 'kin araw-araw. Alam ko na gago na ako sa paningin niya dahil sinaktan ko siya, niloko ko siya pero sapat ba na malaman ko kaagad na sila ng dalawa ni Rheim?
Dalawang buwan pa lang kaming nagkahiwalay no'n pero nabalitaan ko na kaagad na sila na ng dati niyang boyfriend? at ang masakit sa lahat, nabuntis siya nito kaagad.
Ilang taon kung pinangarap na magkaro'n kami ng anak na dalawa. Ilang taon kung pinangarap na magtatayo kami ng magandang pamilya at may tatlong anak pero sa iba pa siya nagkaro'n?
Inaamin ko na nakagawa ako ng kasalanan sa kaniya. Nabuntis ko si Sharlinie kaagad. Pero ang totoo no'n napilitan lang ako na makipagtalik sa kaniya dahil sa kagustuhan ng ama nito. Kapag wala kaming mabuong anak sa loob ng isang buwan naming mag-asawa ay ayaw na nilang maging part ng business namin at hindi iyon pwede. Kailangan namin ang pamilya ni Sharlinie para umahon ulit pataas ang kompanya namin. Lahat ng ginawa kung mali sa kaniya ay may dahilan. Hindi ako gumagawa ng mali ng walang sapat na dahilan.
Kung pinakinggan niya lang sana ang sasabihin ko no'n ay baka ngayon siya na ang kasama ko ulit. Pero ipinagtabuyan niya ako dahil lang nandyan na ulit sa tabi niya si Rheim. Nangako siya sa 'kin na hindi niya babalikan si Rheim pero kinain niya rin ang mga sinabi niya. Binalikan niya si Rheim at nagkaro'n pa sila ng anak na dalawa.
Kaya naman nagpasya nalang akong ituon nalang kay Sharlinie ang atensyon ko. Sa magiging anak naming dalawa at naging masaya naman ako kahit papano. Excited na nga akong makita ang anak naming dalawa.
Pero nang dumating ang araw na manganganak na si Sharlinie ay hindi ko in-expect na mag-kros muli ang landas naming dalawa. Magkasabay pa silang nanganak ni Sharlinie. Kaya pala nando'n si Rheim sa labas ng Delivery Room dahil manganganak na rin pala si Paulette.
"Good morning," biglang pumasok ang nurse sa kwarto kung sa'n nagpapahinga si Sharlinie at bitbit nito ang anak namin. Napatayo ako kaagad at tiningnan si baby. Inabot naman sa 'kin ng nurse si baby.
Gumuhit ang napakatamis na ngiti sa labi ko ng nasa bisig ko na siya. Sobrang cute niya, maputi, matangos ang ilong, may manipis na labi na namumula-mula at ang sarap kurutin ng pisngi niya na namumula-mula rin.
Hindi na matanggal ang mga ngiti ko. Inilagay ko ang hintuturo ko sa ilong niya at pinadulas iyon. Bigla ay gumalawa siya kaya naman mahina akong natawa. Ang cute cute niya pero...
Tiningnan ko ng maigi ang mukha ni baby. Parang kamukha niya si Paulette. Umiling ako kaagad, impossible. Baka namamalikmata lang ako dahil si Paulette ang nasa isip ko kanina.
"Kier? pwede ko din ba na yakapin si baby?" namamaos na sabi ni Sharlinie. Gising na pala siya. Nilapit ko sa kaniya at pinabuhat. Nakangiti niyang pinagmasdan ang itsura ng anak. "Ang cute niya diba? mana sa 'kin."
"Oo nga, ang cute niya. May pangalan na ba siya?" umupo ako sa gilid ng kama niya at tiningnan din si baby.
"Wala pa e. Pero may na isip na akong ipapangalan sa kaniya."
"Ano 'yon?"
"Leona." Hinalikan niya si baby. "Bagay naman sa kaniya diba?"
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...