Nang matapos na ang trabaho ko ay kaagad kung sinundo si Paulette. At sabi ng kuya niya ay naging maayos naman daw ang pamamalagi niya ro'n ng ilang oras. Masaya ako ng marinig ko kanina na tumawa siya sa biro ng kaniyang kuya.
Sigh, kailan ko kaya ulit makikita ang tuloy tuloy na saya sa kaniyang mukha?
"Gusto mo ba na kumain tayo sa labas kyuap?" tanong ko sa kaniya. Ang tahimik niya lang kasi na nakasandal. "O gusto mo na sa bahay na lang?"
"Sa bahay nalang siguro kyuap, mas gusto ko sa bahay."
"Okay," iniliko ko ang kotse pakanan. Tinawagan ko ang mayordoma sa bahay na ipaghanda kami ng masarap na makakain.
"Kyuap may sasabihin ako," muling sabi ko.
"Ano 'yon?"
"Next week kailangan ko na pumunta sa London kasama si daddy. May importanteng client kami na kaka-usapin do'n."
"Bakit do'n pa? hindi ba pwede na dito niyo nalang kausapin?"
"Hindi pwede e, sa London kasi nakatira ang client ni dad kaya kami na ang pupunta do'n. Don't worry, isang linggo lang naman akong mawawala."
"Iiwanan mo ako mag-isa?"
"Kakausapin ko ang Kuya mo na kung pwede ay do'n ka muna sa kanila ng isang linggo. Isang linggo lang naman," tiningnan ko siya. Lumungkot ang mukha niya.
"Okay sige. Basta isang linggo lang ha?"
"Oo naman. Ma mi-miss kita agad no'n kyuap. Madalas kitang tatawagan promise."
Ngumiti siya. "Ako rin naman."
"Ano ba gusto mo na pasalubong?"
"Dalhin mo nalang dito sa pilipinas ang London." Sabi niya na ikinatawa ko. "Alam mo naman na isa sa mga gusto kung puntahan ang London."
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...