CHAPTER 63 - A New Enemy

875 23 30
                                    

                  CHAPTER 63 -
                 A New Enemy

RHEIM SMITH'S POV

KINABUKASAN ay maayos kung hinarap ulit ang panibagong buhay ko. Na ilabas ko na rin naman kahapon ang lahat ng hinanakit ko. Iniiyak ko lahat ng sama ng loob ko at kahit papaano ay nahimasmasan ako.

Pagkatapos ng trabaho ay napagpasyahan kung puntahan ulit si Paulette. Kahit magmumukha na naman akong tanga sa harapan niya ay okay lang dahil sanay na rin naman akong maging tanga-tangahan. At nasanay na ako na sa t'wing  pagkatapos ng trabaho ko ay sa kanila kaagad ang punta ko para makamusta siya.

As usual I buy flowers, foods, and a violet medium size teddy bear for her. Hindi ko na nga mabilang kung ilang teddy bear na ang nabigay ko sa kaniya. Iba't-ibang kulay ang binibigay ko at iba't-ibang size.

Pagkarating ko sa bahay nila ay hindi na ako nag door bell. Okay lang naman na pumasok ako sa bahay nila dahil welcome na welcome na ako. Sa sala ng bahay nila ay nadatnan ko siyang nakaupo at parang sobrang lalim ng iniisip.

"Good afternoon my beautiful honey," nakangiti kung bati sa kaniya at nilapitan siya. Napapitlag pa nga siya sa biglang pagsalita ko. "Ang lalim ng iniisip mo ah."

Nginitian niya ako. "Hindi naman masiyado."

"May dala pala ako para sa 'yo," inabot ko sa kaniya ang flowers, inamoy niya kaagad 'yon. Tapos binigay ko sa kaniya ang teddy bear na nagpangiti sa kaniya. She love teddy bear kaya iyon ang hindi ko nakakalimutang ibigay sa kaniya. At inilapag ko rin sa lamesang babasagin ang mga pagkain. "Kain ka na."

"Salamat sa mga 'to. Grabe ka, ang dami ko ng teddy bear sa kwarto. Lahat 'yon galing sa 'yo. Para na tuloy tindahan ng mga teddy bear ang kwarto ko."  Natatawa niyang sabi at hinaplos n'yon ang puso ko at kinilig ako.

"Hangga't may mga teddy bear sa mall, bibilhan kita. Ikaw pa ba, malakas ka kaya sa 'kin."

"Rheim?"

"Hmm?"

"Mahal mo pa rin ba ako?" Nagulat ako sa tanong niya at natigilan. "Hanggang ngayon ba ako pa rin?"

I faked my laugh. "Oo. Ikaw pa rin e."

"Sorry." Sabi niya. Alam ko na ang kasunod, masasaktan na naman ang puso ko. "'Coz I can't love you back. Siya pa rin kasi ang laman ng puso ko. Saka, babalik na kasi siya sa buhay ko kaya sorry."

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon