CHAPTER 67
THE REVELATIONKIER MARKY CASTILLO
POINT OF VIEWNASA loob kami ng coffee shop malapit sa hospital pumunta para pag-usapan ang sasabihin daw sa 'kin ni Mrs. Ketty. Hindi ko alam kung napaka-importanti ba talaga ang bagay na 'to at kailangan pa talagang lumayo pa kami sa hospital.
Saka Simula nang dumating kami dito sa coffee shop hindi na siya mapakali, panay ang paglinga-linga niya sa paligid at pagtingin sa labas ng coffee shop.
"Ano po ba ang sasabihin mo sa 'kin, Mrs. Padlo?" simula kung tanong para mabasag ang katahimikan sa aming dalawa.Inilapag niya sa taas ng lamesa ang dalawang kamay saka nilaro iyon. At halata sa itsura niya na kabadong-kabado siya.
"Mr. Castillo," humugot siya ng hininga at hindi makatingin sa akin ng deretso. "Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa 'yo na hindi ka magagalit."
"Can you please straight it to the point?" na iinip ko ng sabi.
Muli ay bumuntong hininga siya. "First, gusto kung humingi ng kapatawan sa nagawa ko. Hindi ko gusto ang ginawa ko. Napilitan lang po talaga ako."
"Hindi ko po ma-intindihan ang sinasabi mo." Napakagat siya ng labi at parang natatakot na magsalita. Ano ba talaga ang sasabihin niya sa 'kin. "May nagawa ka bang malaking kasalanan sa 'kin kaya ganiyan ka nalang kung matakot magsalita?"
"Napakalaki po ang kasalanan ko Mr. Castillo." Yumuko siya at nilalaro muli ang mga daliri. "Naalala niyo po ba no'ng araw na nanganak ang asawa mo? ako ang nagpaanak sa kaniya. Hirap na hirap po siya na ipanganak ang baby ninyo no'n at sinubukan ko po na alalayan siya para mailabas niya ng safe si baby pero nagmatigas ang asawa ninyo. Pinilit po niyang ilabas ang baby mo, 'yong cord ni baby ay pumalupot sa leeg kaya naman naging sanhi ng pagkawala ng buhay nito."
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...