CHAPTER 51 - Still, you are

1.1K 26 5
                                    

Chapter 51 - Still, you are

NAKA-UPO sa upuang bakal na nasa gilid ng higaang hinihigaan ni Paulette si Rheim habang tinitingnan ang payapang mukha ni Paulette na natutulog. Lubos ang pasasalamat niya sa d'yos dahil wala okay na ito. Kailangan lang nitong magpahinga para mabawi ang lakas. At sabi rin ng doctor sa kanila, iwasan nilang mag-isip at umiiyak ulit si Paulette dahil nakaka-apekto ito ng tudo sa kalagayan nito. Lalo na't hindi malabong bumalik ang dati nitong sakit.

Kinuha ni Rheim ang kamay nito saka pinisil iyon. Tinititigan niya pa rin ito at awang-awa siya kay  Paulette dahil sa ikalawang pagkakataon, nasaktan na naman ito. Ikwenento kasi sa kaniya si Stephen ang nangyari kung bakit gano'n ang ginawa nito.

Tumayos siya at inusog ang upuan para pumantay sa may bandang mukha nito. Inilagay niya ang kanang palad sa noo nito saka pataas na hinawi ang buhok at sinusuklay-suklay iyon gamut ang mga daliri.

"Sorry, hindi kita kaagad na sagip," malungkot niyang sabi. "Kung alam ko lang na sasaktan ka rin pala niya ay hindi kita ipinaubaya sa kaniya."

Napabuntong hininga siya. Medyo mabigat ang kalooban niya sa nalaman at may galit siyang naramdaman kay Marky. Ipinangako nito sa kaniya na hindi nito si Paulette, pero mas matindi pa sa pananakit ang nagawa nito.

“Wag kang mag-alala honey, nandito na ako. Hindi na kita hahayaan pa na bumalik sa buhay niya. Ngayon, aalagaan kita, ako na ang pagbabantay sa 'yo, ako na ang magiging sandalan mo. At honey, ako ang magpapakasal sa 'yo balang araw. Pangako 'yan." Tumayo siya at hinalikan niya ito sa noo. "Pakatatag ka ha? magpakatatag ka lang."

KINAGABIHAN ay nagising na si Paulette at dahil wala naman siyang nakikita ay nanatili na lang itong nakahiga. Nag-umpisa na naman itong umiyak kaya naman nagising si Rheim na natutulog sa sofa.

"Pau, bakit ka umiiyak?" mabilis siyang tumayo at nilapitan si Paulette. Umupo siya sa gilid ng kama nito at pinapatahan. "Kakagising mo pa lang umiiyak ka na kaagad. Hindi mo pa nga na ibabalik ang lakas mo e."

Pinaupo niya si Pau saka niyakap at hinagod ang likod nito. Mabuti na lamang ay unti-unti na itong huminahon.

"Magiging okay din ang lahat ha? 'wag ka na umiyak." Kumalas siya sa pagkakayap rito saka pinunasan ang pisngi nitong may luha. "Alam ko na kailangan mo ng masasandalan, makakausap, mapaglabasan ng sama ng loob at ma iiyakan. Nandito lang ako honey. Nandito lang ako palagi."

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon