CHAPTER 55 - Babies Change

1K 19 7
                                    


Chapter 55 - babies change

"Misis Castillo, kukunin ko na si baby para malinisan at ma ibigay na sa kaniyang ama."

Umiling na umiiyak si Sharlinie at niyakap pa ng mahigpit ang anak habang umiiyak. Hindi pwede na malaman ni Marky na patay na ang anak nila dahil panigurado hihiwalayan siya nito. Lalo na't alam niyang buntis ang ex girlfriend ni Marky. Noong pitong buwan pa lamang ang tyan niya ay nakita niya sa mall si Paulette na namimili ng gamit ng baby. Sa takot na malaman ng asawa ang totoo ay itinago niya iyon.

Kaya naman kinakabahan siya dahil baka tuluyan siyang iwan ni Marky. Patuloy siya sa pag-iyak at walang planong bitawan ang anak. Dahil sa inip ng medwife sa paghihintay sa anak niya ay inayos nito ang kurtinang nasa gilid niya. At sakto namang paghawi ng medwife ay tumambad sa kaniya ang mukha ni Pau na natutulog.

"Sabay kaming nanganak?" mahina niyang bulong ngunit narinig iyon ng kaniyang medwife kaya naman napalingon ito sa kaniya.

"Kilala mo siya?"

"Oo, siya ang kabit ng asawa ko."

Gulat na nagpalipat-lipat ang medwife ng tingin sa kanilang dalawa. Hindi na lang nagsalita ang medwife at sinarang muli ang kurtina.

"Akin na si baby," lumapit ang medwife kay Sharlinie para kunin ang anak. Na iiyak niyang hinayaan na kunin nito sa kaniya. Pero may biglang pumasok sa kaniyang isipan kaya naman pinigilan niya ang paglabas sana ng kaniyang medwife.

"Wait," pagpigil niya. Napahinto naman ang medwife saka nilingon siya. "Can you please do me a favor?"

"What favor misis?"

Napalingon si Sharlinie sa kabilang higaan na may kurtina ng nakatakip.

"Can you get her baby? at ipalit ang anak ko sa anak niya?"

Nanlaki ang mata ng medwife sa narinig. Kaagad itong tumutol. "Hindi pu-pwede ang hinihiling mo misis Castillo."

"Please. I can pay you. Kahit mag-kano. Kahit isang milyon, limang milyon o sampung milyon ibibigay ko sa 'yo. Ipalit mo lang ang ang anak ko sa anak niya."

Muling napa-iling ang medwife. "Hindi talaga pwede. Labag sa batas ang gusto mung gawin at pwede kang makulong."

Natahimik si Sharlinie ngunit bigla na namang may na isip. "Makulong? Edi pwede kitang ipakulong sa pagpabaya mo sa akin. Dahil sa kapabayaan mo namatay ang anak ko!"

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon