CHAPTER 5
Paulette Coreen Tuazon's POV
Nag-liliparang mga ibon, sumasayaw na mga puno, hangin na sariwa, at tanawin na magandang tingnan ang nasa aking harapan. Pinag-mamasdan ko ang mga ito habang naka-upo ako sa sementong upuang naruon. Simula ng mailabas ako sa kulungan ay palagi na akong tumatambay dito. Mayroon kasing parang lake sa dulo ng village kung saan nakatira si Marky kaya't palagi akong narito. Dito narin kasi ako nakatira sa kanila ni Marky, siguro ay mag-tatagal ako rito dahil sa usapan namin ni Marky na ayusin namin ang kasal na gusto naming mangyari.
Excited ba ako? Ofcourse! Sa tanang buhay ko ay iyon ang pinaka-gusto kung maranasan. Ang mag-lakad papunta sa altar habang nakasuot ng wedding gown na puno ng diamond at nag-hihintay ang pinaka-mamahal mung lalaki.
Napangiti ako sa isiping iyon tyaka ko pinag-masdan ang dalawang ibong nag-lalambingan sa lamesa na nasa harap ko. Huni nila ang naririnig ko at panigurado ay nag-uusap sila. Napaka-swerte ng mga ibon kung tutuosin, wala silang iniisip na problema, hindi nila kailangang mag-hirap. Lipad nalang ang ginagawa nila sa araw-araw nilang naririto sa mundo.
Kaya kung pag-bibigyan ako ay gusto kung maging ibon, dahil ang ibon ay malayang nakakalipad kahit saan man nito gustong tumungo.
"Lalim yata ng iniisip ng kyuap ko," ani Kier tyaka ako niyakap patalikod. "Sabi ko na nga ba ay narito ka e, bigla kanalang kasing nawala sa bahay."
Tumayo ako tyaka humiga sa damuhan at ginamit ang dalawang braso ko para maging unan. Nakita ko namang sumunod siya sa akin kaso ay hindi siya humiga, umupo lang siya at tinanaw ang lake na naruon habang ako ay tinitingnan ay ganda ng kalangitan.
"May problema ba?" tanong niyang muli. Nanatili akong tahimik. "Kyuap, talk to me."
"Wala naman." Sagot ko tyaka umupo ng mag-sawa na ako sa itsura ng kalangitan.
Tumayo ako tyaka pumunta malapit sa lake, umupo ako tyaka pumulot ng bato at itinapon iyon sa tubig. Siya naman ay pumunta sa duyang naroon na ikinabit niya noong nakaraang araw.
"Bukas na ang result ng test mo, are you ready?" Nilingon ko siya tyaka nginitian.
"Whatever the result is, tatanggapin ko iyon ng buong puso at hindi ko iyon ikakahiya."
Nakangiti siyang tumayo tyaka muli akong niyakap ng mahigpit. "Thats my girl." He kissed my hair. "Don't worry, tatanggapin ko rin ang magiging resulta ng test mo. Kahit sino o kahit ano kaman ay mananatiling ika'y mahal parin."
Hinarap ko siya tyaka pinisil ang may katangusan niyang ilong. "Ang corny mo talaga. Kaya mahal kita e."
"Mas mahal kita, times two."
"Times two lang?"
"Edi times one hundred," nag-tawanan kaming dalawa.
Pinaharap niya ako sa lake tyaka muling niyakap mula sa aking likuran. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa batok ko dahil naka tali ang buhok ko. Unti-unting tumaas ang balahibo ko ng halikan niya ang gilid ng tinga ko.
"I love you so much, Paulette Coreen Tuazon." He whispered na ikinatayo ng balahibo ko sa may batok.
Pakiramdam ko ay pinag-papawisan ako ng malamig, pero ang mukha ko ay maiinit. Shit Marky, bakit mo saakin pinaparamdam ang ganitong sinsasyon?
"Lets go on a date, kyuap?" He whispered. "Gusto kung ienjoy ang araw na ito kasama ka."
"Sige, gusto ko rin namang makasama ka ngayong araw." Sagot ko.
***
Mag-kahawak kamay kaming bumalik sa bahay nila matapos naming mag-yayaang mag date. Ngayon lang ulit namin ito magagawa simula noong bumalik kami dito sa Pilipinas.
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...