CHAPTER 61 -
A Warning From HerPagkatapos mailibing si baby Yana ay nag-usap kami ni Paulette ng masinsinan at naging daan pala iyon para magkaayos kaming dalawa. Pinangako ko sa kaniya na gagawa ako ng paraan para balikan siya, magkikipag-hiwalay ako ng maayos kay Sharlinie at parehas kaming umaasa na sana pumayag ito.
Ngunit may isa pa palang tao kaming masasaktan. Si Rheim. Nang sabihin namin sa kaniya na sooner maging kami ulit ni Paulette ay nasaktan siya. Kitang-kita ko kung paano niya nilabanan ang sakit habang kinakausap namin siya. Tumatango lang siya, ngumingiti pero ramdam ko na pilit niya lang na ipakita sa amin na okay siya.
Masinsinan akong humingi ng tawad sa kaniya, hiningi ko ulit sa kaniya ng buong puso si Paulette. Habang sinasabi niya sa 'kin ang katagang 'oo', nakita ko ang pagpatak ng luha sa pisngi niya. Akala niya siguro hindi ko 'yon nakita. Mahal niya pala talaga si Paulette kahit ilang taon na ang lumipas. Kahit na aawa ako sa kaniya, kailangan kung magpaka-selfish para sa babaeng mahal ko. Hindi ko naman intensyon na saktan siya, sumakto lang talaga na parehas kaming nagmahal sa iisang babae.
Nagtagal lang ako ng ilang oras sa bahay nila Paulette at nagpaalam na rin na umuwi. Kailangan ko ng makauwi para makausap ko na si Sharlinie. Sinabi na rin sa 'kin ni mommy na nakalabas na daw ito sa hospital at hinahanap ako. Alam ko na malaking tinik na ngayon si Sharlinie sa buhay namin. Panigurado na mahihirapan ako na kombinsihin siyang makipaghiwalay na sa 'kin. Kailangan ko siyang suyuin ng suyuin para pumayag siya sa gusto ko.
"Ghad! Bakit ngayon ka lang umuwi Kier?!" galit na bungad sa 'kin na Sharlinie pagpasok ko sa kwarto namin. Lumapit ako kay baby Havayana na mahimbing na natutulog. "Saan ka nagpunta? umalis kalang kahapon sa hospital tapos hindi ka na bumalik?"
"Nakiramay lang ako sa pamilya ng mga Tuazon." Mahinahon kung sagot.
Nilapitan niya ako at nakakasugat na tingin ang ipinukol niya sa 'kin. "Edi do'n ka pala galing? ang galing mo din e no? bakit ka pumunta do'n ha? ano pa ang ipinunta mo do'n ha?!"
"Nakiramay nga ako. Namatay kasi ang anak ni Paulette."
"Bakit ka nakiramay? Inimbita ka ba? saka anak ng ex mo ang namatay at hindi mo naman ka-anu-ano ang batang 'yon!"
Napahilamos ako ng mukha sa sinabi niya. "Kailangan ko pa ba na imbitahin bago ako makiramay? God Sharlinie! Kailangan pa palang mag imbita ng namatayan bago makiramay? anong klaseng utak meron ka?"
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Roman d'amour[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...