CHAPTER 50 - Another life to suffer

1K 20 2
                                    

Chapter 50 - Another life to suffer

"PAULETTE!"

Malakas ba pagtawag ni Stephen sa kapatid. Inikot na niya ang loob ng bahay ngunit walang Paulette siyang nakita. Kailangan niyang makita iyon dahil baka kung ano na naman ang ginawa nito sa sarili. Kilala niya ang kapatid niya na kapag sobrang nasaktan, suicidal.

"PAULETTE!!" Mas nilakasan niya pa ang pagtawag. Pumasok siya sa kwarto nito at tumambad na naman sa kaniya ang gulo-gulo nitong silid. Napabuntong hininga siya at lumabas ng silid.

Bigla ay may nag door bell kaya naman dali-dali siyang lumabas, baka si Paulette iyon. Pagkabukas niya ng gate ay nanlumo siya ng si Rheim ang naro'n.

"Hi," nakangiting bati nito sa kaniya. Binati niya rin ito pabalik saka pinapasok. "Nand'yan ba si Paulette? gusto ko sana siya yayain na mamasyal."

Napabuntong hininga si Stephen. "Kanina ko pa nga siya hinahanap e, hindi ko makita sa kwarto niya."

"Ha? baka may pinuntahan."

"Sino naman? E wala na nga sila ni---"

Naputol ang dapat na sasabihin ni Stephen ng may marinig silang malakas na sigaw. Napatingin si Stephen kay Rheim saka mabilis na tumakbo papasok ng bahay.

"Sir, ma'am, si ma'am Paulette!" Aligagang sigaw ng katulong ng makita ang katawan ni Paulette na nakalubog sa tubig. Maglilinis sana si Manang sally ng pool nang makita niya ang katawan nito. "Tulong! Tulong!"

Natataranta at hindi alam ni Manang Sally ang gagawin. Gusto niya man na sagipin si Paulette kaso ay baka malunod din siya.

"Nasan siya!" Natataranta rin na tanong ni Stephen nang makarating sila sa pool area.

Hindi na nagawa pang sumagot ni Manang Sally dahil may tumalon na kaagad sa pool. Napalingon si Stephen at manang sally kay Rheim na sumisisid sa tubig. Bigla ay nakaramdam ng takot si Stephen dahil hindi pa rin umaahon si Rheim. Kaya naman tumalon na rin siya sa pool at sinakap na makita ang kapatid.

Habang nasa ilalim ng tubin ay naaninag na niya ang dalawang tao na papaahon na. Sinundan niya ito at naunang umahon para maalalayan ang Matawan ng kapatid.

"Paulette," na iiyak na pagtawag ni Stephen sa kapatid. Inilagay ni Stephen ang dalawang palad sa dibdib nito saka pinump ng pinump. "Pau mag responce ka please."

Itinulak ni Rheim si Stephen at mabilis na inilapit sa bibig ni Paulette ang sariling bibig. Mabilis niya itong ni-mouth to mouth at sinubukan na i-pump ang dibdib. Tuloy-tuloy niya iyong ginawa. Ngunit walang responce itong ibinibigay.

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon