CHAPTER 68

1.1K 27 6
                                    

CHAPTER 68

WALANG tigil sa pagsigaw at paghabol sa 'kin si Sharlinie para makuha sa 'kin si Havayana. At hindi ako nagpapahuli sa kaniya. Na-ikot ko na ang buong bahay kakaiwas sa kaniya para tantanan na niya ako kaso ay wala talagang plano na tumigil si Sharlinie. Iyak ng iyak si Havayana dahil sa pagsisigawan namin ni Sharlinie. Natatakot na si baby at gusto ko na siyang ilayo ngunit sadyang ayaw akong tantanan ni Sharlinie at ayaw niya akong makalabas ng bahay.

Ang ginawa ko ay tumakbo ako pa akyat sa second floor at pumasok sa kwarto ko. Inilapag ko si baby sa kama na walang tigil sa pag-iyak. Natataranta ako at hindi malaman ang gagawin, naririnig ko ang boses ni Sharlinie na nasa second floor na rin. Nangingig kung kinuha ang cellphone ko sa bulsa at tatawagan si Paulette para ipaalam sa kaniya na buhay ang anak naming dalawa. Na ang anak na akala niya na patay na ay anak namin iyon ni Sharlinie.

"Walanghiya ka!" malakas na sigaw ni Sharlinie at bumalibag pa ang pinto sa lakas ng pagbukas niya. Hindi ko pala na lock ang pinto. Bullshit. "Akin na 'yang bata! Hindi mo siya pwedeng ilayo sa 'kin! Anak ko siya!"

"Anak? Hindi mo siya anak! Sinungaling ka. Kung sana sinabi mo nalang sa 'kin na patay na pala ang anak natin ay hindi tayo hahantong sa ganito. Pwede kang makasuhan sa ginawa mo." Sigaw ko rin sa kaniya.

"Wala akong pakialam! Ibalik mo sa 'kin ang bata para wala tayong problema." Nanlilisik ang mga mata niyang tinitingnan ako. Para na niya akong kakainin, para siyang isang mabangis na hayop sa harapan ko. "Kapag hindi mo ibinalik sa 'kin ang bata, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko Kier. Hindi mo alam kung ano ang kaya kung gawin."

"Tinatakot mo ba ako Sharlinie? pwes, hindi mo makukuha ang gusto mo!" inilapag ko ang cellphone sa kama at kukunin sana si baby ng bigla nalang akong nakaramdam ng sakit sa ulo at may umagos na dugo sa noo ko. Hinampas na pala ako ni Sharlinie ng lamp shade.

SHARLINIE'S POV

HABANG nakatalikod si Kier ay walang pag-alinlangan kung kinuha ang lamp shade sa gilid at malakas na hinampas iyon sa ulo niya. Kaagad na may tumulo na dugo sa noo niya at napaupo siya. Iyon ang tyempo para kunin ang anak nila ng babaeng kinamumuhian ko.

"'Wag mung kunin ang anak ko!" sigaw sa 'kin ni Kier. Hindi ko siya pinakinggan. Sinisikap niyang tumayo para makuha ang bata ngunit na una ako.

Nginisihan ko siya ng makuha ko na si Havayana na umiiyak. Kahit nahihilo siya ay hinabol niya ako palabas ng bahay.

Tumakbo ako ng mabilis kahit hawak ang anak nila. Inalagay ko sa passenger seat ang bata at pinasibat ang kotse palayo sa bahay nila.

Hindi nila makukuha sa 'kin ang bata. Alam ko na kapag makuha nila ito ay magkakabalikan sila at ayaw ko 'yon mangyari. Mahal ko si Kier, sobra sobra pa pero kung ganito naman nila ako pahirapan at pagmukhain na tanga at walang kwenta, mas mabuti na sigurong magkakamatayan nalang kami.

Kung hindi man lang ako mabigyan ng kasiyahan ni Kier, pwes hindi ko rin sila pagbibihayan ng kalayaan at kasiyahan. Habang buhay silang magdudusa. Kahit anong gawin nila hinding-hindi ko ibabalik sa kanila ang bata. Kung kailangan kung patayin ang batang ito gagawin ko. Total patay na rin naman ang anak ko. Masama akong tao kapag ginagalit ako. Ayokong nalalamangan ako. Ayokong hindi nakukuha ang gusto ko. Pagmamahal lang ni Kier ang hinihingi ko ayaw niya pa na ibigay? na iparamdam?

Masakit para sa 'kin na ang taong gusto kung tratuhin ako bilang asawa ay iba naman ang ipinapakita sa 'kin. Simula no'ng kinasal kami, puro nalang ang babaeng 'yon ang pinapantasyahan niya. Nasa harap na niya ako, para naman akong isang statue.

Napapagod na akong magmakaawa ng pagmamahal, nang atensyon, nang kasiyahan. Kung ang lahat ng iyon ay hinding-hindi ko na rin naman mararanasan, pasensyahan nalang. Ibabalik ko sa ko sa kanila ang pagdurusa.

Nang makalayo na ako ng tuluyan sa bahay nila Kier ay tinawagan ko kaagad si daddy. Alam kung papanigan niya ang kagustuhan ko. Lahat naman ng hinihingi at sinasabi ko ay sinusunod ni daddy.

"Yes Sharlinie?" sabi ni dad sa kabilang linya.

"I need your help dad." Deretso kung sabi.

"Anong tulong naman iyon?"

"Kailangan ko ang ilan sa mga tauhan mo. Papuntahin mo sa resort natin sa Batangas. Pupunta ako do'n at may gagawin akong ikakaligaya ko."

"Sure. Ipapadala ko kaagad sila sa Batangas."

"Thanks dad."

Napangisi ako dahil ngayong araw na 'to. Sisiguraduhin ko na magdudusa ang babaeng pinakamamahal ni Kier. Papatayin ko siya, kasama ang anak niya para sa huli kami ang magkakatuyan ni Kier. Wala na siyang babalikan pa no'n.

Ilang oras lang din ay nakarating ako sa resort namin sa Batangas. Pinuntahan ko ang medyo may kalumaan na na bahay. Do'n muna ang gagawin kubg quarters namin. Ngayon araw na 'to, tatapusin ko ang dapat ba tapusin. Sa lugar na 'to, dito ibabalita sa publiko ang pagkamatay ng dalawang tao. Isang sanggol at isang ina.

KIER MARKY CASTILLO'S
POINT OF VIEW

NAHIHILO akong napaupo sa sofa habang hawak ang ulo kung nagdurugo. Hindi ko na naabutan si Sharlinie. Na ilayo na niya si baby. Nakakagalit ang ginawa niya. At hindi ko lubos inakala na gano'n pala siya. Na magagawa niyang magsinungaling sa 'kin para lang mahalin ko siya. At kung gano'n lang din pala siya, malabong mangayari na mamahalin ko ang kagaya niya. Napakayo niya kay Paulette kaya hindi ko ipagpapalit sa kaniya si Paulette. Para na siyang baliw sa ipinakita niya sa 'kin kanina at natatakot ako baka saktan niya si Havayana. Sa takbo pa lang ng utak ng babaeng 'yon, baka sasaktan nga niya si Havayana, at kapag mangyari 'yon baka masaktan ko na talaga siya. Baka hindi ako makapagpigil, pamatay ko pa siya. Anak ko na ang sinali niya sa alitan naming dalawa, at para sa anak ko gagawin ko ang lahat makuha lang si Havayana.
Hinding-hindi ko mapapatawad si Sharlinie.

Nilapitan ako ng katulong at binigyan ng panlinis sa sugat ko sa ulo. Inutos ko sa isa sa mga katulong na kunin abg cellphone kwarto ko. Ipapaalam ko kay Paulette ang bagay na 'to.

Pagkabigay ng katulong ng cellphone sa 'kin ay tinawagan ko na kaagad si Paulette. Nakatatlong ring pa muna bago niya sinagot.

"Ky..."

"Hello?" Naputol ko ang dapat na sasabihin ng marinig ko sa kabilang linya ang boses ng isang lalaki. "Hello?" ulit nito. Hindi ako makapagsalita, para akong nabato bigla at nakaramdam ng selos. Pero bigla ay narinig ko ang boses ni Paulette.

"Sino 'yan Rheim?" tanong nito. So si Rheim pala ang lapastangan na lalaki ang sumagot sa tawag ko. Bakit ba siya nalang palagi ang kasama ni Paulette?

"Hindi ko alam honey. Number lang ang nakalagay sa screen." Sabi naman ni Rheim at parang gusto kung yupiin ang cellphone ko sa pagtawag niya ng honey kay Paulette.

"Akin na, baka kilala ko 'yan."

"Hindi na. Gala nalang tayo sa labas honey. Celebrate natin ng successful closer niyo ni Kier." Saka nito pinatay ang linya.

What the heck? What was that? Ano ang ibig sabihin no'n? na kaya nakipag-break na sa 'kin si Paulette dahil magkakabalikan na sila ni Rheim? Ang bilis naman 'yata masyado?

Hindi 'yon maari! Kailangan ko talagang masabi kay Pau na buhay ang anak namin para hindi na niya mabalikan si Rheim. Selfies ako, at ang akin ay akin. Wala sa vocabulary ko ang share your blessing.

**************

To be continued.....

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon