CHAPTER 19 - PITY HER

1.6K 52 8
                                    

CHAPTER 19

Rhay Stephen's Pov

Tatlong araw ang nagdaan at sa tatlong
araw na iyon ay pakiramdam ko, wala
akong kaluluwa. Lutang na lutang ako
at hindi ko na magawa pang makipag-
usap sa mga taong nakikiramay.

Nasa
gilid lang ako ng kabaong niya,
tinitingnan ang larawan niyang hindi
nawawala ang pagkakangiti doon. Pilit
nila akong kinakausap ngunit pag tango
lamang ang ginagawa ko.
Wala akong ganang makipag-usap kahit
kanino maliban na lamang kay
Paulette, siya lang ang gusto kung
nakakausap ko pero hindi niya ako
napaalis sa gilid ng kabaong ni Alina.

Ayoko kasing mawala sa paningin ko si
Alina at kung pwede ko lang siyang
buhayin ay gagawin ko. Kaso hindi ko
siya kayang buhayin, hindi ko kaya
dahil wala akong kakayahan.

"Kuya kumain ka muna," hinawakan
niya ang balikat ko. Tiningnan ko si
Pau na may lungkot na expression.

"Busog pa ako," sagot ko at ibinalik ang
paningin ko sa itsura ni Alina sa litrato.

"Paano ka naging busog kung hindi
kapa kumakain simula kahapon?"
bumuntong hininga siya. "Alam ko
kuya na nalulungkot ka, nasasaktan ka
pero sana huwag mo namang pabayaan
ang sarili mo. Huwag mo namang
gutumin ang sarili mo, huwag mo
namang i-stress ang sarili mo kuya."

"Pasensya kana kung lahat ng sinasabi
mo ay ginagawa ko ngayon.
Nahihirapan lang kasi ako ngayon Pau,
hope you'll understand my situation."

"I understand naman kuya. Pero sana,
kahit kunti lang ay kumain ka. Hindi
lang ikaw ang nasasaktan." Nilingon ko
siya at kita ko ang lungkot at awa sa
mata niya. "She don't want to see you
like this. If ever she's here, seing you
like that, masasaktan siya kuya."

"Pero mas masakit ang katutuhanang
wala na siya dito. Iniwan na niya ako,
makikita niya ako pero hindi ko na
siya makikita. I want to be with her."
Nag-umpisa nanamang mamasa ang
mata ko. Naiiyak nanaman ako, bakit
ganito kasakit ang mawalan ng mahal
sa buhay? bakit ba kailangan pa silang
kunin sa atin?

"May tamang panahon para sa muli
niyong pagkikita kuya. Sa ngayon ay
kailangan ka muna niyang iwan."

Bumuntong hininga ako saka pinahid
ang mga luha ko. Tumayo ako saka
inakbayan ang kapatid ko.

"Tara kain
tayo?" pilit ang ngiting ibinigay ko sa
kaniya. Napansin naman niya iyon
kaya hindi na lang siya umimik.
Tahimik lang akong kumakain sa tabi.

Pakiramdam ko nga ay sobrang hirap
lumunok, pinipilit ko nalang na
lunukin ang mga isinusubo ko dahil
nakatingin sa akin si Paulette.

"How's Kier?" tanong ko sa mahabang
katahimikan naming dalawa. Kami
lang kasi ang narito sa gilid ng garden.
Kita naman sa pwesto namin ang mga
taong pumapasok para makiramay
tapos rinig naman ang ingay rito sa
pwesto naman kasi hindi naman
kalayuan masiyado.

"I don't think if he's really fine kuya.
Ayaw niyang kumain, ayaw niyang
umiyak, ayaw niyang ipakita na
nasasaktan siya. Naaawa nga ako sa
kaniya dahil parang kinikimkim niya
lang ang nararamdaman niya. Diba
masama ang gano'n kuya?" alala
niyang sagot.

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon