CHAPTER 62 - His Feeling

923 25 24
                                    

CHAPTER 62
His Feeling

Rheim Smith's POV

NAKAHIGA sa kama at nakatingala sa kisame kung iniisip ang mga nangyari ngayon. Na parang kailan lang, ako ang nakakasama na niya, na ako na ang palagi niyang hinahanap, na ako na ang binabalingan niya ng atensyon. Pero lahat ng iyon ay bigla na lang gumuho sa pagbalik ni Kier sa buhay niya.

Honestly, sobrang sakit. Sobrang sakit ng puso ko habang tinitingnan ko sila noong magkayakap silang dalawa sa sementeryo. Ako dapat 'yon e, ako dapat 'yong nakayakap sa kaniya nung time na nahimatay siya. Ako dapat ang pumupunas ng luha niya kaso nandyan na naman siya. Nandyan na naman ang taong matinding karibal ko sa buhay niya.

Maayos na e, ilang bwan na kaming maayos pero bakit sa isang iglap 'yong maayos kung relasyon kay Paulette ay bigla na namang naging complicated?

Sadya ba talaga na hindi siya para sa akin? at hindi ako ang para sa kaniya? God knows how much I love Paulette. I love her so much, really really much. Pero bakit hanggang ngayon hindi niya pa rin ako kayang mahalin?

Pinaramdam ko na sa kaniya lahat, kahit sobrang hirap na para sa 'kin ang mga nakikita ko nandyan pa rin ako para sa kaniya. Hindi niya ba talaga nararamdaman na nandito ako? na kaya ko siyang mahalin ng sobra pa sa pagmamahal ni Kier? Ako naman ang na una diba? ako naman ang unang nagpatibok sa puso niya pero napakahirap ba na ibalik ng pagmamahal na 'yon?

Ang sakit na, ang hirap hirap na talaga pero bakit ayoko pa rin na sumuko? ayaw ko pa rin siyang iwanan at tigilan? Ang tanga tanga ko na, sobrang tanga ko na dahil nakikita ko na na wala talaga akong pag-asa. Dikit pa rin ako ng dikit sa kaniya. Asa pa rin ako ng asa.

At kahit anong pigil ko na 'wag ilabas itong sakit na nararamdaman ko, lumalabas ito ng kusa. At ang mga luha kung taksil ay sunod-sunod ang pagpatak. Kahit ilang beses kung punasan, may pumapatak pa rin. Ibig lang nitong sabihin. Kahit anong pilit kung iwasan na 'wag masaktan, mararamdaman at mararamdaman ko pa rin.

Gusto ko ng sumuko, gusto ko ng tumigil, gusto ko ng tapusin ang lahat ng paghihirap kung 'to dahil alam ko na hanggang dulo, ako pa rin ang talo. Hanggang sa maubos ang luha ko, talunan pa rin ako.

Ilang beses ko ng inuntog ang ulo ko, ilang beses ko ng sinasaktan ang sarili ko, ilang beses ko ng suntukin ang dibdin ko pero siya pa rin talaga ang laman nito. Kung pwede ko lang tanggalin ang puso ko para mawala na ang sakit ay gagawin ko dahil sa totoo lang, nahihirapan na akong magpanggap na okay, na ayos lang sa 'kin ang lahat.

Lalo na nung araw na sinabi ni Kier sa 'kin na babalikan na niya si Pau, sobrang gumuho ang mundo ko. Para akong binalibag ng pa ulit-ulit. Pero para lang ipakita sa kanila na ayos lang sa 'kin na maging sila ulit, ngumiti ako. Pinilit kung ngumiti para maipakita ko sa kanila na suportado pa rin ako sa relasyon nila. At nung tumalikod na silang dalawa, halos matumba ako sa sakit, halos malumpo ako sa panlalambot. Sa akin na siya e, magiging akin na sana ulit siya pero bakit bumalik pa siya? bakit kailangan pang may hahadlang na naman sa aming dalawa?

Ang tagal kung pinangarap na maging akin ulit siya, na ako na ulit ang lalaki sa buhay niya pero bigla naman ang balik niya. Ano pa nga ba ang magagawa ko? kung wala talaga akong pag-asa? na hanggang option na lang ako.

Bakit kailangan ko pa na maramdaman ito? Bakit kailangan pa na masaktan ako ng ganito? Dahil ba nagkasala ako noong kami pa? edi ito na pala ang karma ko sa pananakit ko sa kaniya?

"Paulette bakit mahal na mahal pa rin kita."

Ang katagang palaging kung sinasabi kapag masakit na masakit na. Kapag umiiyak na naman ako sa sulok habang inaalala siya.

Palagi ko nalang inaalala ang mga masasayang alaala naming dalawa noong kami pa. Dahil sa alaala, nararamdaman ko lang na ako ang mahal niya. Pero kapag iniisp ko na lahat ng 'yon ay hanggang alaala na lang talaga. Papatak at papatak na naman ulit ang mga luha ko, dahil na naman sa kaniya.

Dahil kahit sobrang sakit na, mahal na mahal ko talaga siya.

Mahal na mahal talaga kita, Paulette.

*********

To be continued....

A/N: Grabe ang sakit no? ramdam na ramdam ko ang nararamdaman ni rhiem, na parang puso ko 'yong nasasaktan. Ganiyan din ba ang nararamdaman niyo?

Share niyo po sa 'kin, pag-usapan natin hehehehe. Wag niyong kalimutan na ilabas din ang saluobin niyo sa chapter na 'to. At habang sinusulat ko ang kasunod na 'to, sana mabigyan niyo ako ng magandang komento sa storya na 'to.

Salamat ng marami 😘😘😘.

PS: ANG SAKIT TALAGA NG PUSO KO DAHIL SA POV NA TO NI RHEIM! TEAM MARKY AKO E PERO BAKIT DAMA KO ANG PAGDADALAMHATI NI RHEIM? WAAAAAAAH ANG HIRAP MAG DECISION KUNG SINO BA TALAGA ANG PARA KAY PAULETTE HAHAHAHAHA!

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon