CHAPTER 8
Rheim Smith's POV
"Omyghad Alina, please gumising kana. We miss you na kasi, tama na ang pag-higa d'yan. Lalong sasakit ang likod mo kapag mag-tatagal ka sa higaang 'yan." Naiiyak na ani Sofia habang hawak ang kamay ni Alina.
Nasa gilid lang kami ni Stephen, tinitingnan at pinapakinggan ang mga sinasabi niya. Kinakausap niya ito na gumising na, gusto na niya daw makasama ito sa mga gimik nila.
"Napaka daya ninyo. Si Samantha hindi ko na din siya nakaka-usap simula noong nakunan siya. Si Fiona hindi na rin ako tinatawagan. Ang unfair niyo talaga, bumangon kana Alina." Parang gusto niyang yogyogin si Alina nang magising ngunit hindi niya magawa dahil alam niya naman ang kondisyon nito. "Kailan daw siya magigising Stephen?" tiningnan niya ito at pinanlisikan ng mata.
"Hindi pa daw alam."
"Hindi alam? Shit ka, kasalanan niyo ng kapatid mo kung bakit siya nandito at nakaratay. Dapat sana iyong kapatid mo nalang ang nabaril dahil siya naman ang gustong barilin ni Sam." Galit nitong ani. "Tyaka hindi ka nababagay sa kaniya. Nakipag-hiwalay na nga siya sayo diba?"
"Sofia!" saway ko sa kaniya ngunit tinapunan niya lang ako ng tingin at muling tumingin kay Stephen.
"Nang dumating ka sa buhay niya ay napalayo siya saamin. Nang dumating ka sa buhay niya nag bago siya. Kaya dapat hindi kanalang dumating sa buhay niya!"
"Wala kang karapatan para sabihin ang ganiyan saakin, Sofia. Buti nga ay nag bago siya ng dumating ako sa buhay niya dahil baka kagaya mo na rin siya ngayon. Bitch, slut, ambisyosa, impokreta at assumera." Sagot ni Stephen na nag pagalit ng husyo kay Sofia.
"How dare you!" sinampal niya ng malakas si Stephen kaya lumapit ako sa kaniya at hinila siya. "Yes! I admit na ambisyosa, assumera, impokreta ako pero iyong tawagin mo akong slut? that too much! I am a bitch but not a slut!"
"Tama na 'yan Fia. Pare, una na kami. Pasensya sa abala." Sabi ko at patuloy parin sa pag-pupumiglas si Sofia sa mga kamay ko.
"Bitawan mo nga ako! Bakit mo ba ako dinala dito sa labas?! dudurugin ko pa ang pag-mumukha ng gagong 'yon." Galit niyang sigaw saakin.
"Kasalanan mo rin naman Fia. Kung hindi mo siya sinabihan ng kung anu-ano, edi sana maayos kayong dalawa."
"So ako pa ang may kasalanan gano'n?"
"Parang gano'n na nga!"
"Wow---"
"Bawal po kayong mag-sigawan rito. Doon nalang po kayo sa labas mag away." Sita ng guard saamin kaya hindi natuloy ni Fia ang dapat na sasabihin.
Galit itong naglakad palabas ng hospital, ako naman ay sinundan siya para ihatid na sa kanila pauwi.
College palang kami ay galit na sila kay Stephen dahil kinuha daw nito si Alina sa kanila. Palagi nalang daw siya ang kasama ni Alina na dapat ay sila kaya gano'n nalang ang galit niya kay Stephen.
Bawat hakbang niya papunta sa kotse ko sa parking lot ay rinig na rinig ang ingay ng kaniyang takong. Padabog kasi itong naglalakad, galit pa din siya sa ginawa ni Stephen sa kaniya.
"Argh nakakainis talaga ang gagong iyon!" Malakas niyang sigaw at hinapas pa niya ang harapan ng kotse ko gamit ang kamay niya. "He's getting into my nerves!"
Lalo niya pang hinampas ang harapan ng kotse ko kaya ng akma na niyang hahampasin itong muli ay hinawakan ko na ang kamay niya.
"Pwede ka namang mag-sisigaw ng hindi nadadamay ang kotse ko." Seryosong sabi ko.
Natigilan naman siya ng panandalian at ng marealized na ang ginawa niya ay napapahiya niyang hinila ang kamay niya sa pagkakahawak ko.
"Pasensya kana, nadala lang ako ng emosyon." Naglakad siya papunta sa harap at sumandal. "Naiinis lang kasi talaga ako sa gagong 'yon."
"Bakit ba kasi ganyan nalang ang galit mo sa kaniya?" tanong ko. Tinapunan niya naman ako ng tingin tyaka bumuntong hininga.
"Its a long story," kita ko sa mukha niya na parang may emosyon siyang nararamdaman.
"Do you like him?" tanong ko na nagpalingon sa kaniya saakin.
Naningkit ang mata niya habang tinitingnan ako kaya tiningnan ko rin siya ng seeyoso. Bigla niyang iniwas ang kaniyang paningin saakin.
"Argghhh I don't like him!" malakas niyang sigaw.
Habang nakatingin ako sa kaniya ay dama ko ang sakit na nararamdaman niya. Base on her action, she like Stephen. Alam ko kung gaano kahirap magkagusto sa taong hindi ka gusto lalo na't kaibigan mo pa ang nagustuhan niya.
Nilapitan ko siya tyaka hinila papunta saakin. Niyakap ko siya at doon ay umiyak siya. Hinahagod ko lang ang likod niya para naman gumaan ang nararamdaman niya. Ramdam ko ang bawat sakit na nararamdaman niya, ang bawT yogyog ng balikat niya sa lakas ng pag-iyak niya.
"Umiyak kalang," sabi ko habang patuloy parin sa paghagod ng likod niya.
"Bakit gano'n Rheim? Akala ko ikaw na ang tinitibok ng puso ko, bakit nung makita ko lang siya kanina ay bumalik nanaman ang sakit dito sa puso ko?" humihikbi niyang tanong.
"Its because your heart is still beating to him. Your heart still love him. Minsan kasi akala natin ay limot nanatin ang sakit sa taong unang minahal natin, akala natin nagbago na ang tinitibok ng puso natin. Pero hindi, nar'yan parin ito, patuloy na sinisigaw nito ang nararamdaman natin sa taong gustong-gusto natin. Love is easy to feel but its hard to let go and move on." Sabi ko sa kaniya.
"Tama ka. Kaya nga siya parin ang mahal mo kahit may mahal na siyang iba diba?"
Sa tanong niyang iyon ay tinanggal ko na ang pagkakayakap ko sa kaniya.
Sumandal ako sa harap ng kotse ko at tinanaw ang gilid ng parking lot. May ilang sasakyang dumadaan akong nakikita, ang iba ay pumapasok para mag park."Ganiyan kasi talaga ang pag-ibig. Kahit gaano mo kagusto siyang makuha ay hinding-hindi mo magagawa. Alam mo kung bakit?"
"Bakit?" nakatingin na niyang tanong saakin.
"Kasi hindi siya para sayo. Kung baga, isa lamang siyang example para mag-karuon ka ng experience sa larangan ng pagmamahal."
Amaze niya akong tiningnan tyaka siya pumalakpak.
"Hindi ko akalaing ang lalim pala ng mga hugot mo." Tumawa pa siya kaya binatukan ko siya ng mahina. Masaya naman palang kausap itong babaeng ito. "Pero teka," sabi niya tyaka tiningnan ako ng seryoso. "Friends na ba tayo? kasi nagkwento kana saakin."
"Bakit ayaw mo?" tanong ko na nagpangaga sa kaniya. Hinawakan ko naman ang baba niya kaya iniwas niya ang mukha niya. "Tara na nga. Date tayo para naman matanggal iyang sakit nanararamdaman mo."
"Really?" gulat niyang tanong.
"Yeah." Pumalakpak naman siya tyaka ako niyakap. Baliw talaga ang babaeng ito.
Napangiti niya tuloy ako.
**********
To be continued....
A/N: Hello! Sorry kung ngayon lang ako nakapag-ud. Sobrang busy ko kasi talaga, nag tatrabaho na kasi ako hahaha. Crisis kasi ngayon kaya kailangan ko mag trabaho. Sana ay maintindihan niya.
Oh, don't forget to votr and comment :) salamat!
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...