CHAPTER 38

1.1K 26 5
                                    

Para ulit kay  @GuiaAshRain kasi natuwa ako sa reaksyon niya hahahaha.

Hi, GuiaAshRain!

WarningMedyo SPG

CHAPTER 38

NANG makarating sa bahay ay sinalubong kaagad kami ni mommy. Nakangiti na siya ngayon at tudo alalay kay Paulette, ako naman ay bitbit ang bag niya na may lamang mga damit ba sinuot niya sa hospital.

Habang papasok kami sa loob ay mahigpit ang pagkapit niya sa braso ko. Ramdam ko na natatakot siyang madapa o ano dahil hindi na niya nakikita ang dinadaanan niya.

Pagkarating sa kwarto ay nagpaalam na si mommy. Dahil may aasikasuhin daw saglit.

"Anong gusto mung kainin kyuap? ipagluluto kita." Umupo ako sa tabi niya.

"Hindi ako nagugutom kyuap," sagot niya saka kinakapa ang kama. "Hindi ko mahanap ang unan," malungkot niyang turan. "Pwedeng paabot?"

Umusog ako sa gitna ng kama saka pinahiga siya sa lap ko. Ngumiti naman siya saka ipinikit ang mata. Ako naman ay sinusuklay ang buhok niya gamit ang daliri ko.

"Kyuap." Pagtawag niya.

"Hmm?"

"Pwedeng magtanong?"

"Ano 'yon?"

Bumuntong hininga siya saka nagmulat ng mata. "Mamahalin mo pa rin ba ako kahit ganito na ako?"

Matamis ang naging pagngiti ko saka tinanggal ang ulo niya sa lap ko. Humiga ako sa tabi niya saka niyakap siya ng mahigpit. Iniharap ko siya sa akin at hinalikan sa noo.

"Oo naman. Diba sabi ko sa 'yo na kahit sino at ano ka pa ay mamahalin kita?"

"Pero ngayon hindi na kita mapagsilbihan."

"May mga katulong naman."

"Pero mas gusto ko sana na ako ang gagawa ng mga bagay na ginagawa ng asawa." Malungkot niyang sabi.

"Kyuap, okay lang naman sa akin na hindi mo ako mapagsilbihan. Naiintindihan ko naman eh. Saka, hindi kita aasawin para gawing tagasilbi ko. Aasawahin kita dahil gusto ko na makasama habang buhay ang mahal ko."

Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon