Chapter 54 - Leave the pain of yesterdayNang malaman ng mga Tuazon na nagdadalang tao si Paulette ay natuwa ang mga ito lalo na ang ama ni Paulette na matagal ng pinapangarap na magkaro'n ng apo. Sa sobrang saya ng ama nila ay nagpa-celebrate ito na naging dahilan ng pagka-inis lalo ni Samantha. Na-iinis ito dahil na alala nito ang anak na nawala. Dahil ayaw nitong balikan ang sakit ng nakaraan tungkol sa anak nito ay pinilit nitong ipakita na wala itong pakialam sa pagdadalang tao ni Paulette.
Naging masaya at maayos ang mga araw na nagdaan. Soportado ng pamilya Tuazon ang pagbubuntis ni Paulette maliban kay Samantha.
Lumipas ang mga buwan ay mas lalo pang nagkaro'n ng saya ang pamilya nila Paulette. Si Rheim? araw-araw na pumupunta sa kanila Paulette. Welcome na welcome na ito sa pamilya nila. Hanggang sa pitong buwan na ang ipinagbubuntis ni Paulette at si Samantha ay umalis na sa bahay ng mga Tuazon.
Nagkaro'n kasi ito ng trabaho sa Korea. Magiging model daw ito doon kaya mas lalong naging payapa ang buhay ni Paulette.
Sa bahay naman ng Castillo ay unti-unti ng napalapit ang loob ni Marky kay Sharlinie dahil noong tatlong buwan pa lamang ang ipinagbubuntis ni Sharlinie ay nag-away silang dalawa at dahil lasing si Marky ay napagbuhatan nito ng kamay si Sharlinie. Dahil sa pagsampal nito ng malakas sa asawa ay tumalsik ito ng malakas at na napasalampak sa semento na naging dahilan ng pag-bleeding nito.
Sa labis na takot na naramdaman ni Marky na mawala ang anak ay nangako ito kay Sharlinie na magbabago na. Ituturing na nitong asawa si Sharlinie kahit wala itong nikatiting na pagmamahal sa babae.
Hanggang sa lumipas ang mga araw, linggo, buwan ay mas naging maayos na ang relasyon nito sa asawa. Umabot sa puntong magkatabi na ang mga ito kung matulog.
9 MONTHS LATER.....
"OMYGHAD Kier! Manganganak na ako!" na iiyak na sigaw ni Sharlinie habang hawak ang tyan na sumasakit dahil naghihilab na ito.
Nasa loob ng bathroom si Marky kaya hindi nito narinig ang sigaw ng asawa.
"Kier manganganak na ako!" muling sigaw ni Sharlinie na narinig na ni Marky.
Kaya naman dali-daling tinapos nito ang pagligo saka nagtapis ng tuwalyang tumakbo sa asawa na mangiyak-ngiyak sa sakit. Napatingin si Marky si binti ng asawa at nataranta ito ng makitang may umaagos ng dugo sa binti nito.
"Wait a minute, magbibihis lang ako."
"Bilisan mo!"
"Oo. Oo."
*******
SA BAHAY ng mga Tuazon ay palakad-lakad sa sala si Paulette habang hawak ang tyan na humihilab. Alam nitong ngayon ang araw na lalabas ang baby. Kagabi pa nga ito nag Li-Labor ngunit hindi pa naman masiyadong masakit ang tyan nito ay kaya naman nagpasya nalang itong maglakad-lakad sa sala.
"Good morning," nakangiting bati ni Rheim kay Pau pagkapasok nito sa bahay nila. Lumapit ito kay Pau at humalik sa pisngi nito. Na iilang man si Pau ay hinayaan nalang nito si Rheim na gawin iyon sa kaniya dahil araw-araw nitong ginagawa iyon. "Sumasakit ba ba ng matindi ang tyan mo?"
BINABASA MO ANG
Our Painful Love Story (Book 2) [COMPLETED]
Romance[Highest Rank Achieved: #23 in Romance] Nainis ako sa kaniya pero tadhana talaga ang nag lapit sa aming dalawa. Naging slave ko siya at 'yun pala ang daan para magustuhan ko siya. Naging kami pero sinaktan ko siya. Akala ko patay na siya pero bumali...