Casey on the side >>>>>>>
Chapter 4
************
"Hi!" bati sa akin ng babae.
"Ako?" Tanong ko.
"Hindi. Yung puno. Joke! Gusto lang kitang kaibiganin. Casey, right?"
"Ah oo, Anong pangalan mo? Sorry ha. Di kasi ako masyado nakikinig." Tanong ko. Ang FC ko!
"Jenny Gomez, nice to meet you, Smart girl! I am really astonished about what you did. Alam mo magpapaturo na ako sayo. Hindi naman kasi ako kasingtalino mo. At sa maniwala ka man o sa hindi, halos lahat ng tao dito walang paki sa grades nila kasi mayayaman naman sila."
"Oh! Thank You! It just happen that I already seen that one in India." I said appreciating her comment. Maenglish nga yung mga tao dito. Pero, ako ang magpapauso ng Tagalog dito. Tandaan niyo yan.
"India? So, you mean you already went there. Wow! I never experience those kind of things." Tapos bigla naman siyang nalungkot. Ay! Abnormal ata 'to. Kanina masaya tapos ngayon malungkot. Bakit kaya?
"Di ba mayaman ka naman?" She studies here at Oxford, so I guess she's rich. Maliban na lang kung may ibang dahilan.
"Isa lang naman ang sagot doon. That is because I am a close friend of the son of the owner of this school. And I really owe that guy much. Ang totoo niyan, bestfriend ko nga yun. Magkakabata." Sabi niya.
"You're lucky!" I commented. "Siguro kayo magkakatuluyan balang araw. Ayiiieee!" Ang alam ko yung dati kong kaklase na si Andrei ang may-ari nito.
"Hey! Di naman sa ganun. Di naman lahat ng magkaibigan nagtatapos sa ganyan. Basta para siyang anghel na hinulog ng langit."
"So, ibig sabihin basag mukha nun? Try mo naman kasing bumagsak sa langit. Ouch! Ang sakit nun." Tumawa naman siya sa seryoso kong pahayag.
"Di naman. It's not literal. Masyado ka namang literal kasi. Ahm, Casey?"
"Yes?"
"So, pwede ba kita maging kaibigan? Ang nice mo kasi di katulad ng ibang estudyante dito." tanong niya.
"Sure! Pwede naman. Kung ayaw mo pwede rin naman. Parang facebook lang yan. Friend Request Accepted." sagot ko.
"Ang bait mo talaga, thank you. Wala kasing may gusto sa akin, kasi di naman ako mayaman katulad nila. Buti iba ka."
"Pabayaan mo na lang sila, I'am sure na inggit lang sayo yun kasi maganda ka. Tsaka, aanhin mo ang pera kung yung ugali mo naman mas malala pa sa nasapiang aso?"
"Hindi naman. Ang galing mo mambola ha."
"Teka, maiba ng topic. Do Andrei (the son of the owner) and you have something?"
She looked shocked. May mali ba sa sinabi ko? "You know him?" She asked. "Oo! Well, classmate ko siya dati. Pero, back to my question, answer it. Kilala mo pala siya." Tsaka, mabait kaya si Andrei sa akin. Di ko na nga lang siya nakita nung nagpasya siyang lumipat. "And N-no!" She replied deniably. I think. "We're just bestfriends, I will tell you the details, can we sit for awhile?" Aya niya.
"Uhm perhaps, you could join me to the mall. Can you come? Sama ka na. Wala naman kasing gagawin. Ang boring! Gala muna tayo. Since, ikaw ang first friend kong babae dito sa school."
"Are you sure?" I nodded.
"Oo naman, kaibigan na kita from now on, right?." I said in a matter-of-fact.
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
HumorKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...