Belated Happy Valentines! Sana araw-araw Valentines Day pa din. Yeah! Spread the love. Hart! Hart!
Credits to FudgeBaby.
Chapter 42
***************
Casey Andrea Salvador's P.O.V.
Pagkatapos ng klase, lumabas na ako. At pagtapak ko sa labas ng silid. Napabuntong hininga ako. Dahil katulad ng inaasahan ko, ang mga mata ng nakapaligid sa akin, sinusundan ang bawat kilos ko.
'Eto na nga ba ang sinasabi ko.' Bulong ko sa sarili ko.
Halata naman kasi na kasing init ng bagong lutong adobo ang isyu ko. Halatang ako nga talaga ang laman ng mga umiinog na usap-usapan ng mga tao.
Di ko na sila pinansin. "Casey! Casey!" Kahit ilang tawag nila di ako sumasagot? Kasi hello? Ang awkward kaya. Alangan namang kumanta pa ako dito ng 'Ang haba ng hair, nagrejoice ka ba girl? Haba ng hair. Sa'yo na ang korona.' Di ba? Sa sobrang haba nga natalbugan ko na si Sadako. Para akong siya na tago ng tago. Kahihiyan talaga ang ginawa ng lalaking yun eh.
Lumingon ako saglit at nakita ang mga kaibigan ko. Pero ni sila hindi ko na hinintay at pinansin. Sa halip, tumakbo na lang ako hanggang sa lugar kung saan wala masyadong tao. Sa totoo lang kasi, naguguluhan talaga ako sa mga nangyayari. Di ko alam kung joke ba 'to o katotohanan.
Isinandal ko ang katawan ko sa isang pader at umupo. Mga limang minuto din nung bumalik na ako sa sarili ko. "Agh! Nakakabanas!" Sigaw ko. "Sino ba kasi yang lalaki na yan? Sino ba yang Hans na yan?"
"Ah miss, binanggit mo ba yung pangalan ko?" Huh? Inangat ko tuloy ang ulo ko at nakita ko ang isang lalaki na medyo kahawig ni Andrei. Napataas tuloy ako ng kilay. "Excuse me, do I know you?"
Ngumiti naman ito. "Oo. Malapit na. Dahil...."
"Dahil?"
"Dahil ako ang future mo." Sabi niya sabay wink. Naku! Aagawin niya pa ang titulo ni Drake. Pero infairness ha pwede siya maging Wink God.
May inabot naman siya. "O, ano naman yan?" Tanong ko.
"Rosas." Sagot niya. Malamang! At saan naman niya kinuha yan aber?
"Oo nga. Para saan?"
"Ang lungkot kasi ng mukha mo. Gusto ko lang na ngumiti ka. Sayang naman kasi yung ganda mo kung malungkot ka di ba?"
"Gusto mong sumaya ako?" Tanong ko. Kinuha ko naman yun tapos tumayo na ako.
"Oo."
"Pwes, umalis ka sa harap ko at sasaya na ako." Ang bitter ko noh.
"At anong karapatan mo para paalisin ako Ms. Salvador?" Sino ba talaga 'to? Familiar siya pero ang alam ko di ko pa siya nakikita.
"Bakit? Ikaw ba ang MAY-ARI nitong school at bawal kitang paalisin? Tsaka, tresspasser ka, hindi ba?." Diniinan ko talaga yun.
"Hahahahaha!" Humawak pa 'to sa tiyan niya dahil sa kakatawa.
"Hala! Anong nangyari sayo? Nagjoke ba ako?"
"Haha! Paano kasi kanina ko lang pinagawa yung banner ko tapos di mo ako agad nakilala? How forgetful. Well, I will introduce my self to you formally, I am Hans Linus Gonzaga, son of the owner of this school. Nice to meet you." Tapos lumuhod siya at kinuha ang isa kong kamay. Anong gagawin niya? Unti-unti niyang nilapit ang mga labi niya dito at hinalikan.
Napanganga tuloy ako. "..........." Mga chancing nga naman.
"Okay ka lang?"
"Ah oo. So anyways, you mean ikaw yung Hans na yun na kanina pa pumupuno sa iniisip ko?"
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
UmorismoKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...