Secret Admirer- The Party

1.6K 45 1
                                    

Chapter 57
**************

Andy Kevin Aragon's P.O.V.

"Kevin, are we really going to attend that stupid party? Lalandiin ka lang naman nung Andrea na yun. Halata naman. Yung sa picture niyo pa lang, iba na ang tingin nung babaeng yun sayo." Reklamo ni Leila. Trabaho lang naman yun. Naaalala ko tuloy yung ginawa ko sa kanya. Nahiya kasi ako sa photographer kaya ginawa ko yung gusto niya.

Nandito kami ngayon sa event. Sinama ko na nga siya. Pero kanina pa siya nagrereklamo sa pagpipilit kong pumunta kami dito. Nahiya naman ako kay Andrea kung tatanggihan ko siya,

At isa pa, ang gaan talaga ng loob ko kay Andrea. She's nice like Casey. Di ko na nakikita si Casey. I miss her. Simula nung umalis siya, di na ako masyado makangiti. Kaya nga naisip ko kailangan ko rin itong party para maka-relax naman. Sana nga lang di gumawa si Leila ng gulo.

Kung bakit ko nga pala nakilala si Andrea? Eto. Di ko naman talaga ginusto maging modelo. May nakita lang akong babae na nagabot sa akin ng card at pinapapunta ako sa isang lugar. At nung pumunta ako, doon ko nakilala si Andrea. Unang kita ko pa lang sa kanya, iba na yung nararamdaman ko. Parang kilala ko na siya dati pa. Siguro dahil lang yun sa kagandahan niya. She's perfect. Di mo talaga makakalimutan yung mukha niya. Pero siyempre, tapat pa rin ako sa girlfriend ko.

At eto pa, dahil sa simpleng pagtanggap ko sa offer ni Mia (Yung babaeng tinutukoy ko na nagabot sa akin ng isang business card). I discover something. I love this job. And thanks to Andrea. She's been teaching me a lot. I felt comfortable working around her.

"Lei, it's just a party. Nandito rin lang naman tayo kaya dumiretso na tayo. Isa pa, maraming tao doon. Wala namang gusto sa akin si Andrea. We're just friends. At ganun lang rin ang tingin niya sa akin."

"Fine!" Inirapan naman niya ako. Padabog naman siyang naglakad palayo kaya wala na akong ibang ginawa kundi sundan siya.

Pagkapunta naman namin sa isang table, agad siyang tumawag ng isang lalaki na may bitibit na cocktail. "You! Give me one." Sigaw niya.

Lumapit naman ito at binigay niya ang isang baso ng cocktail. "Umutot ka ba?" Nagulat ako sa tanong niya.

"Leila, you're harsh." Ano bang gagawin niya?

"Tinatanong kita! Umutot ka ba? Do you have manners?" Tapos hinawakan niya pa ito sa balikat at inikot.

"Sorry po ma'am. Hindi ko po napigilan. Pasensiya na po." Tapos yumuko pa ito. Nilabas niya naman ang maliit niyang perfume sa mini pouch niya at inispray ito sa paligid niya.

"Ang baho. Next time, you find a place to do that. Not in front of me! Masyado kang bastos. Kung iisip lang naman natin, isa ka lang namang hampas lupa. Kaya umayos ka. Understand?" Tapos inirapan niya pa. Kawawa naman. Bakit ba kasi ganyan siya.

"Stop it Leila. Pinagtitinginan na tayo." Pagaawat ko. Pero mukhang binalewala niya lang yung sinabi ko,

"Hiyang-hiya naman ako sa utot mong amoy perfume." Mas nagulat ako sa sinabi ng lalaki. No! Bakit mo yun sinabi? Mas iinit yung ulo niya.

"What did you just say? Trabahador ka lang dito kaya wag mo akong pagsasalitaan ng ganyan. Walang galang! Akala mo kung sino ka. Wala ka namang ipagmamalaki."

"May problema ba dito?" Tumingin naman ako sa isang boses na may halong awtoridad. Si Andrea.

Ano namang kahihiyan 'to? Nakakahiya.

*

Casey Andrea Salvador's P.O.V.

"Jen, Andrei." Bumeso naman ako sa kanila. "Alam niyo na ba? Nasabi na ba sa inyo nila Ayana at Kim."

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon