Secret Admirer- Secret Relationship?

1.5K 49 5
                                    

Chapter 63
**************

Casey Andrea Salvador's P.O.V.

Sinabihan ko Shin na aalis ako ngayon. Kailangan ko rin kasi itong gawin bilang isang model. Kaya pumayag na rin kaming umalis.

Nilagay ko na lahat ng mga gamit at damit ko sa isang malaking maleta. Tapos bumaba na ako.

Nakita ko si Kuya Cyfer at lumapit naman ito sa akin. "Aalis ka?"

"Oo kuya. Magkakaroon daw kami ng commercial shoot." Sagot ko rito.

"Wow. Iba ka na talaga sis. Magingat ka ha."

"Okay. Bye kuya!" Kumaway ako saka lumabas ng mansyon. Nakita ko si Ate Mia at si Shin na nakasandal sa van ng kompanya. Nagulat nga ako dahil nandito siya. Yung mokong talagang yan masyado akong mami-miss. "Ate, maguusap lang kami sandali."

"Sure. Hintayin na lang kita." Pumasok siya sa loob ng van samantalang si Shin lumapit papunta sa akin.

"Mawawala ka na naman sa akin. Aalis ka agad. Iiwan mo ako?" Sabi ni Shin tapos bigla niya akong niyakap. May naramdaman naman akong basa sa balikat ko. Umiiyak siya?

"Uy! O.A. mo ha. Tatlong araw lang ako mawawala at hindi habang buhay."

"Basta hihintayin kita kahit gaano ka pa katagal mawala." Anong arte nito? Daig niya pa ang taong nakurot sa singit kung umiyak. Bakit? Mamatay na ba ako?

"Sobra ka. Pupunta lang naman ako sa isang pribadong isla para doon magtrabaho. Yun kasi ang napili ng sponsor namin. Gusto mo para hindi ka malungkot tatawagan ko yung tropa natin para may kasama ka 'pag alis ko. Saglit lang." Sabi ko saka kinuha yung phone ko mula sa bulsa ng short ko.

Calling Andrei....

"Hi. Andrei, pwede bang pagkatapos niyong magklase sa biyernes eh gumimik kayo? Please."

("Bakit naman?")

"Ayoko kasi malungkot si Shin. Gusto niyo punta kayo sa beach. Kayo lang kasi ng tropa yung pwedeng sumama sa kanya. Pwede ba?"

("Oo naman. Sasabihin ko na lang kay honey babe.")

"Honey babe?!" Iba na talaga ang endearment ngayon. Pero tanong lang, may honey na ba yung mga anak ng baboy?

"Ah eh si Jen yun. Sure. Aalis ka ba?" Tanong niya.

"Oo. Eh nagdrama ang isa dito. Makapagpaalam sa akin akala mo sa langit ako pupunta. Pero salamat ha."

"Haha. Wala yun. Geh." Tapos ibinaba ko na ang phone ko at pinasok muli ito sa bulsa ko.

"Black forest! Okay na. Isipin mo na lang na kapag balik mo dito pagkatapos nun, nandito na rin ako. See! Ikaw yung masyadong patay na patay sa akin."

"Mahal na mahal kasi kita." Masyado talagang cheesy. Anong gusto niya? Magtumbling pa ako? Magkart-wheel? "Kasama mo siya, hindi ba?"

"Ano?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Si Kevin. Mahal mo pa ba siya?" Alam niya. Masama ba kung aaminin ako? Na oo mahal ko siya hanggang ngayon.

Marahan akong tumango. "Sorry. Pero oo mahal ko siya. Hindi ko pa rin siya makalimutan."

"Don't hope for things that are not for sure. Don't wait for the past to come back, because whether you like it or not, you can't bring back everything in it's right place. At higit sa lahat, huwag kang magmahal ng taong hindi ka naman pinili para di ka masaktan."

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon