Romantic bones kayo at imaginative brains required. Ang corny ko kaya simula ngayon magbebenta na ako ng mais para bumenta ang joke.
Thank you po talaga sa mga nagbabasa. Effort appreciated.
===========================================================================================
Andy Kevin Aragon's P.O.V.
Matutuwa si Casey nito. Pinaghandaan ko talaga ang surpresang ito sa kanya. Ngayon masasabi niya pa kaya na wala akong pera. Sa laki ba naman ng binayad ko para dito. Pinaghirapan ko pa 'to. Ang daming preparations. Para ko na nga siyang girlfriend. Speaking of girlfriend, naalala ko si Leila. She said she likes me. First step sa mga relationships. Ang maging M.U. kayong dalawa. Nagulat nga ako nung umamin siya.
Nagtataka lang ako sa barkada. Ang sabi kasi nila layuan ko daw si Leila, pero bakit? Malambing naman siya, maganda at mabait. Ano bang mali? Ang weird nila. Pati din si Casey tinatarayan at iniirapan si Leila. Pag tinatanong ko kung bakit, ang sagot niya o ang barkada, dahil daw masama ang ugali niya. Kahit ang pinsan niyang si Andrei, parang galit sa kanya. Kesyo, lider daw siya ng Black Angels. Which is di ko alam kung ano. Ano ba talaga ang tinatago nila? Naguguluhan na talaga ako.
Hayaan na nga! Ilang minuto na lang kasi darating na si Casey. Gagawin ko talagang memorable yung birthday niya. Siya lang kasi ang pinakauna kong naging bestfriend. Nagpapasalamat ako at nakilala ko siya. Gumagaan kasi yung pakiramdam ko kapag lagi ko siyang nakakasama. Sana naman magustuhan niya lahat ng gagawin ko for her. She is really worth to effort. She is one of my most special person I know. I wanna make her happy.
Casey Andrea Salvador's P.O.V.
Tinanggal ko lahat ng make-up ko. Naglagay lang ako ng konting lipstick. Para kahit pa-paano gumanda naman ako sa paningin niya. Hindi ako katulad ni Linta ha. Ngayon lang naman ito at minsan lang.
Pinalitan ko na lang ang suot ko. Sinuot ko na lang ang simple kong red dress. Ngayon, medyo iba nga akong tingnan kumpara sa dati. Mas girly. Ayoko ng mga ganito sa totoo lang. Kaya eto ako ngayon, suot ko pa din ang glasses ko. Then, pinalitan ko din yung heels ko. Sinuot ko na lang ang favorite black doll shoes ko. Finally, tapos na ako. Eto na yun. Ano kayang trip ng lalaking yun?
To: Kevin Kulit
On the way na ako! Siguraduhin mo lang talaga na maganda yan. Kung hindi magiging memorable talaga yan. Magiging memorable ka sa kamao ko. Joke! Ayusin mo yan ha.
From: Kevin Kulit
Wala akong hinanda. Sorry! Basta, punta ka na lang dito. Wag ka magreklamo ha. Pag di ka pumunta, kalimutan mo na lang na bestfriend kita.
To: Kevin Kulit
Ang drama mo. Kaya nga, on the way di ba? May on the way ba na hindi pupunta. Tsaka, ang sama mo! Wala man lang ka-effort effort. Pero, sige pupunta pa din ako. Pagtiyatiyagaan ko yang trip mo.
Umasa akong may hinanda ang lalaking ito. Tapos, yun pala sasabihin niyang WALA! Pero, pupunta pa din ako. Pabayaan mo siya baka totohanin niya pa yung sinabi niya. Pero, pag ginawa niya yun pwede kami maging more than friends. Yan na naman ako. Paulit-ulit na lang na nangangarap.
"Kuya, dito na lang po." sabi ko sa driver. Di ko pa kasi masyadong yaka na mag-drive. Pero, konti na lang matututo na ako ng buo. Konting practice pa.
Dito ko tinigil sa daan malapit sa meeting place namin. Sa rest house ni Kevin. Medyo malaki din iyon. Sa place na yun kami lagi nagkikita kapag walang pasok o free time. Di ko nga alam kung bakit dito ako bumaba. Siguro, dahil kinakabahan ako. Di ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Kapag, nakita ko siya. Baka mamaya kasi maramdaman ko ang pinagsasabi ni Ivan.
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
HumorKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...