Secret Admirer- The Fight

2K 67 1
                                    

Casey Andrea Salvador's P.O.V.

Nakasandal ako sa malambot na bagay. Pagkahawak ko... Shocks! Tao? Ah, si Drake lang pala. Mukha naman kaming mag-asawa nito. Lagi kasi akong sumasandal sa mga kasama ko, kapag nakatulog ako. Ang awkward kasi kailangan sa lalaki talaga. Mag-syota lang 'te?

Lumingon naman ako sa paligid. Nakita ko na nakatingin sa amin si Shin. Nang mapansin niya ang tingin ko, umiwas agad siya ng tingin sa amin. Nasa tree house pala kami ni Shin. Nakakahiya! Nakatulog pa kaming dalawa.

"Casey/Shin!" Sabay naming sambit. Napatingin kami ng matagal sa isa't-isa at biglang tumawa. Baliw lang?

"Sige! Ikaw na ang una." sabi niya. Nakakahiya talaga. Ang FC ko talaga. Nasobrahan na ata.

"Umm...sorry ha! Nakakahiya! Nakatulog pa kami dito sa bahay mo Tarzan este Shin pala." Marunong din pala ako mahiya?

"Wala yun! Basta, babayaran mo yung kuryente ko dito. Teka, matanong lang ha. May gusto ka ba sa kanya?" Teka, matanong din ha. Nagseselos ka ba?

Napatingin tuloy ako ng maiigi sa kanya. Seryoso ba talaga siya? Napaisip na naman ako at ngumisi. Nagtaka naman siya bigla.

"Huy! Ikaw ha. May gusto ka sa akin noh? Nagseselos ka eh. Ay! Pero, wag ka mag-alala. Wala PA akong gusto sa kanya." Haha! Sinagad ko na. Ang haba ng hair. Pero, di ako feeler noh. Niloloko ko lang.

"Pa? So, magkakaroon pa lang? Tsaka, wag mo ding isiping nagseselos ako ha. Kapag ba tinanong ng ganun, selos kaagad? Di ba pwedeng NAGTATANONG lang talaga."

"Eh, bakit ka nauutal?" Honesto! Magsabi ka ng totoo.

"Kasi, nauutal. May reason pa ba yun?"

"Tsk...tsk..Palusot natin noh! Okay lang yan...crush din naman kita." Gulat naman 'tong tumingin sa akin na para bang sinasabi 'really?' . "Pero, take note ha! NAPILITAN lang ako." Pahabol ko. Anong akala niya? Easy to get ako.

Napa-smirked naman siya. "Tss! Napilitan daw. Kung alam ko lang totoo talaga yun." Same linya ng mga lalaki. So Cliché!

"Kapal mo din noh!" Sigaw ko.

"Hindi ako makapal. Nagsasabi lang ng totoo. Pakipot ka pa." Kasi kayong mga lalaki mga torpe kayo. Tsaka, di ako pakipot noh! Ang sabihin mo feeler ka lang talaga.

"Yung totoo! Pansin ko lang ha. Bakit mas alam pa ng iba yung crush mo kaysa sa sarili mo? Bakit alam na ba nila ang feelings mo? Yung totoo Shin!"

"Hindi kami feeler. Tsaka alam ko! Kasi, kayong mga babae halata masyado. Konting galaw niyo pa lang, lahat may emosyon na. Alam namin kung masaya kayo o malungkot. Di katulad sa amin. Di kami showy."

"Anong hindi? Eh, minsan kasi kayong mga lalaki. Feeling niyo ang ga-gwapo niyo. Tingnan nga lang namin kayo feeling niyo may gusto na kami agad sa inyo. Babanat-banat tapos, lolokohin niyo lang kami sa huli."

"Hindi lahat ng lalaki feeler at manloloko. Kasi, di feeler ang tawag sa lalaking alam niyang gwapo talaga siya. Katulad ko, isang titig ko pa lang nga sayo baka matunaw ka na."

"See! Mga feeler talaga kayo. Example ka na. Tsaka, aanhin mo ang gwapo kung ang tao naman na yun ay di makontento sa ISA. Gusto maramihan. Feeling naman nila sisikat sila. Di ba nila alam na magmumukhang playboy lang sila kapag ganun? Isa pa, hindi naman kami ulam na kapag pinagsawaan na basta na lang itatapon basta-basta. Kaming mga babae, hindi naman kami mga basura. Nire-recycle hanggang gusto. Wag niyo din kaming gawing laruan ha. Kasi, masakit yun. Yung ipamimigay niyo lang kami sa iba kapag napagsawaan na." May pinanghuhugutan eh.

"Ang ingay niyo naman guys." Pa-epal ni Drake. "May natutulog kaya. Tsaka, ano 'to bakit may debate?"

"Eto kasi!" Turo ko kay Shin.

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon