Secret Admirer- That Guy Bothers Me

2K 58 4
                                    


Casey Andrea Salvador's P.O.V

Kakatapos lang ng klase namin. Wala naman akong gagawin ngayong araw. Kaya, yayayain ko na lang ang mga kaibigan ko sa Garden. Lagi kasi namin yung tambayan tuwing uwian.

"Punta tayo ng Garden. Wala naman kasing gagawing task. Ang boring kaya!"

"As usual! O, sige." sabi ni Andrei.

"Pero, una na kayo. May kakausapin lang ako." sabi ko sa kanila.

"Huh? Sino naman?" tanong ni Jen.

Nagpakilala na si Shin, pero di naman nila masyado kilala. Kaya, ipapakilala ko.

"Basta! May ipapakilala ako sa inyong laging na P-PMS." Si Mr. Sungit! Loner kasi masyado at ang tahimik! Himala nga at di ako ginulo nun kanina. Takot sigurong mabasag ang mukha. Tinakot ko pa naman.

"PMS? Babae? O is it Shin my loves?" Nagniningning na mga mata na tinanong ni Ayana. Tss! Lahat na lang crush nito. Walang tinira! WAGAS! Ano pati ipis na patay magiging crush niya din?

"Hindi! Si Dora ang ipakikilala ko. Ang daming red days nun eh. Eto na nga ako o! Huhugutin siya sa TV." pamimilosopo ko. Ang kulit kasi.

Nagpout pa ito. "Ay si Dora! Pwedeng si Shin na lang? Eh, ang gwapo niya kaya." Masungit naman! Tsaka, kilala niya na nga niya, gusto si Shin pa din.

"Tama na ang kalandian! Halika na Yana!" sabi naman ni Kim sabay hila kay Ayana.

Nung umalis na sila papuntang garden, nilapitan ko naman si Shin na nakaupo sa gild at nakikinig ng music sa earphone niya.

Lumapit ako sa kanya at sumigaw. "Shin!"

Tumingin naman siya sa akin at inalis ang earphone na nakasalpak sa tenga niya.

"Bakit?" tanong niya.

"Tara! Ipapakilala kita sa mga friends ko." pagaaya ko.

"Ayoko nga!" Ikaw na nga 'tong binibigyan ng kaibigan. Ikaw pa 'tong tatanggi. Ano kaya yun? Forever Alone?

"Anong ayoko nga? Dapat kang sumama. Ang loner mo kaya. Tsaka, di ba I will help you to change? Tapos, tatanggi ka lang sa master mo. Hoy! Umayos-ayos ka naman. Para ka na namang bad boy eh." wika ko sa emotionless na pagmumukha ni Mr. Sungit.

"Kailangan pa ba yun? Eh, mukhang di naman matino yung mga yun." Wow! Nanglait. Ang bait mo. GRABE! Umaapaw!

"So, parang B.I. ako, ganun?" (Bad Influence)

"Hindi! Para kasi kayong grupo ng mga Mongoloid." Ano daw? Mongoloid ba kamo? So, may topak kami?

"Tss! Ang sama mo talaga. Pero, ano ba talaga...sasama ka o hindi?" Sumama ka! Kun'di ipapabitay kita sa China.

Tiningnan niya lang ako ng matagal. Tapos, tumayo na siya at naglakad papalabas. GRABE! Bastusan?

Pero, huminto ito sa tapat ng pinto at tumingin sa direksyon ko. "O, Ano na? Anong tinitingin-tingin mo diyan? Tara na!" Tingnan mo lang! Sasama din pala.

"Saan ba kayo magkikita?" Oo nga noh! Sinusundan ko siya kung saan. Pero, di niya pa pala alam kung saan. May pagkashonga din ako eh.

"Sa Garden. Uy! Mamaya nga pala. Starbucks tayo. Pwede ka ba?" tanong ko.

"Malapit lang ba? Kung Oo, pwede naman. Alam mo naman yung parents ko. Specifically, natin. Okay lang sa kanila basta tayo ang magkasama. May balak ba silang ipakasal ako sayo. Kung Oo? Wag na lang! Ayoko magkaroon ng malas na asawa." Ayoko din naman magkaroon ng masungit na asawa katulad mo noh! Mga parents naman namin. Minamatch talaga kami. Mga walang magawa sa buhay. Napagtripan tuloy kami.

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon