Chapter 55
***************
Casey Andrea Salvador's P.O.V.
Tinext ko si Drake. Pumayag kasi ako na magkita kami mamayang 4 ng hapon.
Ako: Saan mo ba tayo gusto magkita mamaya?
Drake: Ah. Pwede bang sa bahay namin na lang? May gagawin pa kasi ako sa labas. Doon mo na lang ako hinatayin.
Ako: Okay.
Ano kayang gusto niyang pagusapan? Wag sanang problema. Ayoko na kasi ng dagdag na problema. Punong-puno na ako.
Ngayon, nasa bahay pa rin ako ni Shin. Plano kong pumunta muna sa bahay at dumiretso kay Drake pagkatapos.
Pagkababa ko, nakita ko si Shin na lumabas mula sa kwarto niya. "Andrea, aalis ka na? Magbreakfast ka muna."
"Hindi na. Salamat. Kinakabahan kasi ako sa mga nangyayari sa bahay. Thank you talaga ha." Wika ko.
"Wala yun. Oo nga pala. Pwede magtanong?"
"Nagtatanong ka na nga eh." Binigyan naman niya ako ng 'Seryoso-ako-Ms.-Stupid." na tingin.
"Makikipagkita ba sayo si Drake?"
"Oo. Bakit mo naman natanong? Alam mo ba kung bakit gusto niya ako makausap?"
Tumango naman siya. "Alam mo bang may nasabi siya sa amin ni Kim nung lasing siya. At sinabihan ko nga siya na wag maging torpe. Kaya siguro---"
Napatingin naman kami nung biglang may magsalita. Si Avery. "Hey Andrea! Kuya! GOOD MORNING!!! Ang ganda talaga ng umaga ko. Tanong lang, di naman kayo nagtabi matulog noh? It's just I'm so GM here and I kept thinking about that. Anyway, don't you also know that I've also heard you two agreeing that you will have a fake relationship? Oh kuya! You're so dead. Isusumbong kita kanila mommy at daddy. Don't you worry. May libreng music ka naman maghapon sa mga sermon nila." Saad niya tapos dinilaan niya pa si Shin. Kumaripas pa ito ng takbo.
Patay! Anong gagawin namin? Di pwedeng malaman ni tita at tito yun dahil baka isumbong nila ako kay mama at papa. "Shin, gumawa ka ng paraan. Walang dapat makaalam nito. Shin!" Tumango naman siya tapos agad niyang hinabol si Avery at hinila ito. "Saan ka pupunta? Di pa tayo tapos."
"Aw! Kuya, my oh so precious skin! Don't touch me." Reklamo ni Avery habang kumakalas sa hawak ng kuya niya.
"Oh so precious skin mo mukha mo Avery!" Sigaw ni Shin. "Napaka-brat mo na nga tapos sumbungera ka pa. Ibang klase. Mangumpisal ka na nga." Hinila niya naman ito papunta sa kwarto niya. Sumunod naman ako sa kanilang dalawa.
"Anong gagawin mo sa kanya?" Tanong ko. Hinila naman niya si Avery habang naglalakad siya. May hinalungkat siya sa isang kabinet.
Nung nakuha na niya, tumingin siya sa akin. "Itatali ko siya. Itatali ko itong palakang ito. Ang daldal kasi. Dapat matutunan niyang itikom yang bibig niya paminsan-minsan."
"What? Kuya, are you crazy? I'm your sister. Duh!" Sabi ni Avery sabay ikot nung mata niya. Si Shin naman inikot yung masking tape sa kamay at paa ni Avery. "Are you kidnapping me now? Pathetic!"
"Shut up, Avery. Sorry ka na lang. At wag mo nga akong ganunin. Yung ikot mata o kung ano mang girl stuff yun kung ayaw mong ako mismo ang kukuha ng mata mo at magpakain sayo nun nang manahimik ka." Tapos nilagay naman ni Shin yung tape sa bibig niya. Ang harsh ni Shin. Nakakatakot siya. Sana nananaginip lang ako. Sinampal ko naman yung sarili ko. *PAK!! Ouch! Totoo nga. Tiningnan ko naman si Avery na nagwawala sa sahig. "Mhhmmmmhhm."
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
HumorKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...