Secret Admirer- Placing Things on its Right Place

1.8K 63 0
                                    


Casey Andrea Salvador's P.O.V.

Nagising ako, dahil sa ilang alog ng mga kamay. Kitang natutulog eh. Pagkadilat ko ng mata ko, nakita ko agad ang dalawa na tumitingin sa akin.

"Hay! Salamat at nagising ka na." sabi ni Kim at napansin kong nakabihis silang dalawa.

"Ano meron? Aalis na kayo?" tanong ko.

"Correction lang ha. Hindi kami TAYO."- Ayana

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko.

"Kay Kevin." -Kim

"K-kay Kevin?"

"Bakit ayaw mo?" -Kim

"Medyo? Oo? Hindi? Baka? Parang? Kasi, di pa ata ako sure kung handa na akong makipagusap sa kanya." sabi ko.

"Habang nasa dreamland ka kasi. We've decided to truce na with Kevin, but take note not that bitch girl ha."-Kim

"Oo, bitch talaga siya. Babaeng aso na nagpapanggap maging tao. Tingnan niyo pa sa dictionary." -Ayana

"Madami ba siyang lahi? Linta, higad tapos ngayon aso? Sinong magulang nun?" tanong ko.

"Actually, di ko din alam kung sino ang magulang nun. Para kasi siyang kabute na susulpot na lang bigla sa planet Earth. Tapos, bigla na lang manggugulo dito." -Ayana

"For me? She's an EGOISTIC, PATHETIC AND OBSESS GIRL sa tabi-tabi. Kung titingnan mo mukhang diyosa, pero kung umasta ugaling squatter. Landiin ba naman si Kev." sabi naman ni Kim. Grabe! Di ka naman galit niyan? No other bitch girl ang peg.

"How about her conceited and weird sidekicks? Yung Shelo at Nico?" tanong ko. Lalo na yung Shelo na yun, kasi sa tuwing makikita ako. Tinatadtaran talaga ako ng kung anu-ano. Mga walang magawa sa buhay nila.

"Yun? Ang tawag naman sa kanila ay sidekick na gusto maging bida. In short, masyadong PA-BIDA! Mga mayayabang na kung umasta akala mo presidente ng Pilipinas at kung makalait daig pa ang nakakulong sa bilibid. Mga mukhang straw. Yung plastic na nga sipsip pa. Para ngang hindi na sila tao." sabi naman ni Ayana.

"Ano yun Alien?" tanong ni Kim. Siguro, may undiscovered planet pa nga sa Universe.

"So, si Kevin yung specimen?"

"Teka nga! Ba't kayo sa akin nagtatanong? Mukha na ba akong miyembro nila?" -Ayana

"Parang! Ay, hindi. Oo pala!" pangaasar ni Kim.

"Ang sama mo talaga, Kim!"

"Dati pa!"

"Baka nga ikaw yung kasama nila diyan eh."

"Guys, itigil niyo na nga yan. In the first place, bakit ba eto yung naging topic?" tanong ko. Paano kay Kevin, tapos alien and napunta sa Leilang yun. Ano ba talaga? Ang gulo rin nila eh.

"Ewan! Magbihis ka na, Casey. Makikipagusap na tayo kay Kev. Kailangan fresh breath ka, para kung may kissing scene, ready ka. Isasama ko na din pala sina Andrei At Jen." -Ayana. Anong kissing scene? Kadiri talaga 'to.

"Baliw! Teka, si Drake? Di mo ba isasama?" Kasama na kasi namin siya sa tropa.

"Drake? No! Magkatuluyan pa kayo. Akala niyo di ko alam na nagkunwari kayo at nagpa-excuse, para mag-date. May sakit pa kayong nalalaman ha." Excuse me! Di kaya date yun.

"Tss! Yana, ang date para sa DALAWANG TAO lang. Hindi para sa TATLO."

"Edi, group date!" Aba! Di ba niya alam na sinadya kong idamay si Shin para di matawag na date yun tapos, lalagyan niya pa ng GROUP. Pero, the point is date pa rin yun. I can't believe this! 'Pag ako nainlove sa dalawa. Nako! Yari na.

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon