Secret Admirer- We should not do what is NOT RIGHT

1.5K 49 0
                                    

Pagpasensyahan ang utak kong punong-puno ng mga aralin. XD Jelly! Sabaw pa 'to...(Soup lang ang peg).

Chapter 45

***************

Casey Andrea Salvador's P.O.V.

Tamihik lang kaming dalawa sa loob ng kotse. Patuloy lang siyang nagmamaneho samantalang ako naman nakadungaw lang sa bintana.

Hindi ko minamasdan ang mga kotseng humaharurot sa gitna ng kalsada. Iniisip ko lang ang nangyayari kanina. Malinaw na malinaw pa sa akin ang katangahan ko.

Hindi ko alam kung bakit niya nagawa yun. Mas lalo lang ulit nadagdagan ang mga tanong at mas lalo lang nun pinagulo ang nanahimik kong utak.

Bakit ba siya ganyan? Bakit niya ba patuloy na pinapatibok ang puso ko para sa kanya na gusto ng maghanap ng iba?

Flashback:

========

"Kevin, di ako nagbibiro ha." Kusang umatras tuloy yung ulo ko ng konti.

Pero lumapit pa siya hanggang sa isang tulak na lang eh magkakadikit na ang mga ulo namin.

"Kevin, what are you---" At yun!

Naramdaman ko na lang ang mainit niyang labi sa labi ko.

Pero ano bang ginagawa niya? Nababaliw na ba siya? Pero bakit di ko siya mapigilan?

Lumapit pa siya pero iba na ang nangyari eh....

"Kevin yung wine!!" Napasapo na lang ako dahil nahulog niya yung wine sa dress ko. Kaya kinuha niya yung napkin sa gilid at pinunas iyon sa suot ko.

Pero sa kasamaang palad.....

Natabig niya din yung kandila. "I'm sorry." Paulit-ulit na binibigkas niyang salita sa akin.

"Not now. Nasusunog!! Kunin mo yung fire extinguisher!" Pasigaw kong utos dahil sa natataranta na ako sa mga nangyayari. Sa lahat ng mga nangyayari. Dali-dali niya naman itong kinuha at tinutok sa may apoy.

Nung medyo humupa na ang apoy saka naman dumating ang mga staff at tinulungan si Kevin sa pagpatay ng apoy.

Tinanggal niya yung coat niya at ipinatong naman iyon sa dalawa kong balikat. "I'm sorry Casey. I make this day disaster."

Umiwas ako ng tingin at diretso ko siyang tinanong ng.. "Bakit mo ginawa yun?" Gusto kong umiyak. Pero mas gusto kong maging manhid sa lahat ng nangyayari.

"Hindi ko alam. Alam kong di ko dapat yun gawin. Nadala lang ako. Sorry Casey."

"Hindi mo alam? Kevin, may girlfriend ka!" Pasigaw kong wika sa kanya.

"Alam ko. Pero Casey...."

"Let's just go back Kev...Salamat na lang." Malamig kong wika sa kanya.

At simula nun, naglaho na ang mga ngiti sa labi ko at nagsimula na ring kumirot yung puso ko.

Tila nadadagdagan na naman ng mga tanong sa isip at puso ko. Ang sakit eh.

End of Flashback

Kaya sabihin niyo, masama ba ako? Bakit di kasi sa una pa lang ako na yung minahal niya o kaya sana sa una pa lang di ko na sana siya nakikilala pa?

Sinubukan ko naman na ipasok sa utak ko na hanggang dito lang ako. Bakit ba sa mga panahong yun di ko siya nagawang pigilan?

Naramdaman kong tumigil na ang kotse. Nasa tapat na pala kami ng mansyon.

"Salamat." Yun na lang ang nasabi ko.

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon