Chapter 47
**************
Casey Andrea Salvador's P.O.V.
Nagdaan yung mga araw ng pagsusulit namin. Ilang araw ng pagrereview at ilang araw na paghahanda ang ginugol ko dito.
Yun na lang yung pinagtuunan ko ng atensyon.
Nagdududa ako sa isang kaibigan. Gusto ko mabunyag lahat ng lihim. Hinihintay ko yung panahon na yun. Kasi di ko alam kung sino yung totoo at nagpapanggap.
Yung mga tao na bigla na lang dumating sa buhay ko.
Yung mga tao ring tuluyan nang nawala.....
Buti nga di ako masyadong naapektuhan. Buti nakayanan kong sagutan yung mga tanong sa puting papel na iyon. Hindi ko nga maintindihan kung bakit 'pag dating sa tanong ko sa buhay, wala akong maisagot.
Ang alam ko lang kailangan ko maging malakas para sa sarili ko at para sa pamilya ko.
Kasi ito yung realidad. Ito yung totoong buhay.
Napakabusy ngayon. Magpapasko na kasi kaya ngayon tinatadtad kami ng napakaraming gawain.
Tumaas ng kamay si Drake. Napatingin tuloy lahat sa kanya. "Ah miss, hindi niyo po ba ako papagalitan sa isang bagay na di ko naman po ginawa?"
"Aba siyempre naman!" Sagot ni Professor Myrna. Naku! Loko-loko pa rin itong si Drake. I-push niya yan.
"Good. Sabi niyo po yan ha." Nagtataka namang tumingin yung professor sa kanya. "Ah miss, di ko po kasi nagawa yung homework ko. Pero di ba sabi niyo naman po di niyo ako papagalitan?"
"Aba! Mr. Del Mundo, you should behave properly. It's not even considered. Minus!" Yan kasi. Yan yung mahirap sa mga estudyanteng pilosopo. Napailing na lang ako dito.
"Casey! Pssst...." Lumingon naman ako kay Drake.
"Bakit?"
"Di ba sabi niya di niya daw ako papagalitan sa mga bagay na di ko naman ginawa? Eh hindi ko naman yun ginawa ha, kaya bakit ako pinagalitan? Uyy..narinig mo naman yun hindi ba?"
"Sira! Gawin mo na nga lang yan. Mamaya pagalitan ka na naman. Tsaka, mag-isip ka din. Ano ba naman klaseng tanong yan Drake? Matalino ka ba talaga?"
"Wala! Pinapasaya lang kita." Ngumiti naman ito at kumindat bago bumalik sa pagco-compute. Same old Drake.
Tumayo naman si Miss Myrna sa lamesa at pumunta sa gitna. Mukhang may sasabihin siyang importante. "Class, we would have a debate this coming Friday. So please get ready. Don't worry. The topics are all interesting. Uhm, the battle will be between girls and boys. That's all! You can now have your free time." A debate again? Sino kaya yung makakasagutan ko dito? Ako yata ang pinakamagaling 'pag dating diyan. YES!!!!
*
"Yes!! Ang lapit na ng break natin. Excited na ako!!!" Sigaw ni Ayana at nagtatalon pa ito sa tuwa.
"Oo nga. Ano kayang magandang gawin? Shopping? Watch Movies? Or what about we go swimming?" Suhestiyon ni Kim.
"Guys, may sarili kaming lakad ha. Sorry na lang." Sabi naman ni Andrei. Halatang pagod siya sa mga trabahong ibinibigay sa kanya ni Tito.
"Siyempre naman Andrei. Alangan namang sumama kayong mga boys sa lakad namin edi nakita niyo yung mga ka-sexihan namin. Asa kayo. Kasi may kasabihang. 'You don't see, you don't get.' Kabaliktaran ng 'What you see is what you get.' Kaya di talaga. Sorry na lang din Shin." Sabi naman ni Ayana na nag-sexy pose pa.
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
HumorKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...