Chapter 61
**************Casey Andrea Salvador's P.O.V.
Nakatayo ako sa isang malaking paraiso na puno ng bulaklak at paru-paru. Ang ganda talaga. Ganyan siguro kapag good mood.
Pumitas ako ng isang bulaklak. Tapos, may narinig akong isang boses ng lalaki.
"Andrea, halika na." God? Patay na po ba ako? Nabangungot po ba ako kanina?
"Andrea. Andrea. Andrea." Napakasweet ng boses niya. Paulit-ulit niyang binabanggit yung pangalan ko. Pero palakas ng palakas rin ito.
Ahhh..alam ko na. Big Brother? Ikaw ba yan? Wow. Housemate na ako. "Big brother. May task po ba ako?"
Biglang may nagbato sa akin ng....unan? Saan galing yun?
At ayun! Nagising ako sa realidad. Nananaginip lang pala ako. "Big brother ka diyan. Bumangon ka na nga! Mahuhuli na tayo sa party." May swimming party nga pala ngayon. Oh shomai!! Di ako nakapagplano sa balak kong gawin kay Ms. Linta. Nyaah!!! Mamaya na nga lang yun.
Walang ganang umupo ako sa kama ko at tumingin sa bihis na bihis na si Shin. Binato ko sa kanya yung unan na binato niya kanina agad sa akin. Hindi lang siya panira ng moment o ng gagawin ko. Panira pa siya ng panaginip. Agh! "Ang sweet mo grabe. Pero ayoko pa talaga. Mamaya na lang." Sabi ko na medyo antok pa saka nahiga sa malambot kong kama.
"Ang tamad mo talaga. Sige ka! Kapag di ka bumangon diyan, di kita titigilan." Sino ba kasi ang nagpapasok sa Shin na 'to? Kwarto ko 'to kaya ibig sabihin dapat ako lang ang pupunta dito maliban na lang kung gusto ko magpapasok. Wala na bang privacy sa mundo? Also FYI, I don't need a non-snooze alarm clock human being.
"Tamad! Tamad! Tamad!" Sigaw niya habang tumatalon sa kama ko. Psh. Istorbo. Sabagay, naaalog rin kasi ang diwa ko.
"Hindi naman ako tamad sadyang masipag lang magpahinga." Saad ko. Kahit nakapikit ako, ramdam na ramdam ko ang sama ng titig ng boyfriend kong panira. At speaking of ramdam. Ramdam na ramdam ko rin yung panis kong laway sa gilid ng labi ko. Eww! Pero dedma. Tulog lang. Para kasing movie yung panaginip na kung saan ikaw yung bida at pwede mong gawin lahat ng gusto mo.
Ilang saglit, may naramdaman na lang akong kamay na nagaangat ng shirt ko. Ow sheettt!!! Manyak 'to. Di porket boyfriend ko na siya eh payag na ako na gawin niya na lahat ng gusto niya. Ano siya sineswerte? Pakamatay na siya. Di ako lotto noh. "'Pag di ka tumigil sa ginagawa mo, sisigaw talaga ako ng rape dito." Marahan at kalmado kong banta sa kanya habang nakahiga at nakapakit pa rin ang mga mata ko.
"Duh sis! Ako 'to." Haha. Si ate lang pala. 'Pag assuming ka nga naman. "Sabi kasi ng err--boyfriend mo. Bihisan na lang daw kita kung ayaw mo bumangon. Mala-late na daw kasi kayo." Bangon katawang lupa ni Andrea!
"Parehas lang yun. Nakatayo pa rin yang lalaking yan. Wag mong sasabihin na titingin pa yan kapag magpapalit ako."
Sumagot naman ng napakaganda ang isa. "Wag ka magalala. Makikita ko rin naman yan sa hinaharap." Bastos talaga.
SUPPPEERRRR SSAAAIIIYYYAAANNN! (Feeling Goku lang)
Para akong nakalaklak ng isang milyong boteng energy drink dahil agad akong tumakbo papunta kay Shin at sinapak siya ng malakas.
*
Naligo ako at nagbihis. Naimpake ako ng ilang damit at gamit at sinuksok lahat ng mga yun sa bag ko. Pagkatapos, nagayos na rin ako at bumaba. Nakita ko si Shin sa may sala. Ang mas weird pa sa kanya. Nakangiti pa siya kahit na yung pisngi niya sobrang pula dahil sa pagkakasuntok ko. Siguro nga may pasa na yun.
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
HumorKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...