Secret Admirer- Suffer and Revenge

1.6K 42 0
                                    

Chapter 69
**************

Casey Andrea Salvador's P.O.V.

Isang malaking warehouse na walang laman sa loob kami pinapasok ng lider nilang kasing itim ng kili-kili ng nasunugan. Gusto ko sanang regaluhan ng whitening kaya lang nakatali pa rin yung kamay ko. Buti nga tinanggal na nila yung nakatakip sa bunganga ko. Di na lang ako nagsalita dahil sa baril na nakikita ko. Baka tumagos pa yan sa balunbalunan ko, maganda kong kidney at matalino kong brain yan.

"Dito niyo ilagay yung mga yan!" Sigaw niya na parang bagay lang kami na itatapon. May isa pa palang pintuan roon. Dalawa kasing bakal na pinto sa kaliwa at kanan ang makikita mo.

Hinagis este tinulak naman nila kami ni Kevin (Makatulak kasi napakalakas. Feeling superman itong maskuladong ito. With dirty hands pa yan ha. 'Pag ako nakalabas dito, papaliguan ko siya ng isang litrong alcohol.) sa isa pang malaking lugar sa loob.

Ang tanging daanan lang nito ay yung bakal na pinto na yun. Sa loob, sementado at tanging maliit na salamin lang sa tabi ng walang kutson na kama ang babasagin. (Oh no! Poor ang mga tao dito.) Taghirap! Wala man lang foam o kaya T.V.

May isa namang kayumangging lalaki ang natira dahil siya ang magbabantay sa amin. Sinipa ko tuloy sa mukha kasi wala namang tali yung mga paa ko. Sinaway naman ako ni Kevin.

Tiningnan ko siya. Tawa lang ito ng tawa dahil dumaplis lang yung paa ko sa mukha niya. "Ano? Lalaban ka?" Sabi niya pa sa akin sabay tawa ulit. Pero teka! May naaamoy ako. Ang galaw galaw tuloy ng ilong ko.

"Bakit ang baho?" Tanong naman ni Kevin.

"Oo nga. Ano yun? Bakit ang baho?" Napatingin ako sa nagbabantay sa amin at tumawa. Nawala tuloy yung takot ko panandali. "Umutot ka noh. Aminin!"

"Hindi. H-hindi nga." Depensa niya sa sarili niya. Utot niya! Baka maniwala ako.

"Eh, bakit ang baho? Amoy jebs." Sabi ko habang lumalayo sa kanya at tumatabi lalo kay Kevin.

"Ah, medyo natae lang sa brief." Napa-yuck tuloy ako. "Masisisi mo ba ako eh may trabaho. Ang laki din kaya ng kikitain ko sayo kaya tumahimik ka. Limpak-limpak na pera ang makukuha ko sa amo ko mamaya kaya pasalamat ka at mabait pa ako sayo."

"Yan! Sa kakasunod mo kay Leila nakalimutan mo ng tumae sa inidoro. Sa susunod ha, banyo banyo din 'pag may time."

"Hoy! Tumahimik ka nga. Baka gusto mong tumagos ito sa katawan mo." Sabi niya habang tinutok sa akin ang isang baril na kinuha niya mula sa faded jeans niya.

"Tumahimik ka din. Yang tae mo natagos na din sayo. Ang baho! Ewww! Magpalit ka na nga. Kung di mo kayang pigilan, magdiaper ka na lang." Nagtakip tuloy ako ng ilong at nahiga na lang sa may kama sa gilid. Kadiri talaga yung bantay na yun. Ang bantot! Mananakot pa siya. In his face!

"Ayoko magdiaper!" Sigaw nito. Wag niyang sabihing napkin ang hanap niya. Napatingin tuloy ako sa kanya.

"Bakit naman? Kaderder ka kaya." Tanong ko. Sabagay, matanda na siya. Tamad nga lang.

Pero iba yung nakuha kong sagot. "Nainis kasi ako. Paano kasi sa dami ba namang inaral namin tungkol sa nakaraan sa diaper lang pala nagaway si Lapu-Lapu at Magellan? Nakakainis talaga. Kaya nga, grade 4 lang natapos ko. Sige na! Gawin mo na ang gusto mo bago ka mamatay. Pupuntahan ka na rin pala ng amo ko dito mamaya. Magpapalit lang ako. Wag niyong subukan tumakas ha. Malilintikan ka talaga." Banta niya pa.

"Mabuti pa nga. Pakisabi na rin sa amo mo. Bwisit siya! Salamat!" Hayy! Nakakainis talaga yung babaeng yun. Sigurado akong siya ang may pakana nito. Hindi lang ito basta kidnapping.

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon