Chapter 52
***************
Casey Andrea Salvador's P.O.V.
"Give me some fierce look....Good! Andrea, now hands on your hips then smile. Okay?....Nice one and..we're done. Good job!" Sabi ng photographer.
Nagpho-photo shoot ako halos araw-araw at rumarampa naman ako sa mga event. Di ko lubasang maisip na lalabas yung larawan ko sa mga store branches namin. Wag naman sana sa mga damit. Kasi super duper to the highest level awkward! Na makita ko yung mukha ko sa damit ng ibang tao. Mukha akong artista na hindi naman. Basta kailangan kong panindigan 'to. Eto na yun eh.
Ang balita ko pa nga eh lalabas daw kami sa billboard ng partner ko. Oh!! Baka sa sobrang pangit ko doon. Bagyuhin kaagad, kalmutin ng Flying Cat o kaya naman si superman na la-laserin yung mukha ko hanggang mawala. Kalerks! Baka magkaroon din naman ng karambola sa daan dahil 'pagkakita ng mga driver sa mukha ko akala ako yung nadisqualified dahil sa isa akong professional contestant sa papangitan na contest. Basta....OA ako!!
At.....
It's been a week. Meaning....I will meet the guy. May nararamdaman ako na kung ano. It's like this guy will affect me much. Gusto ko na siyang makilala. Ilang oras na lang nga makikita ko na siya.
Maraming sikreto ang nabunyag noong mga nakaraang araw. Ngayon, gusto ko naman malaman ang sikretong tinatago ng nakakapagtatakang pagiging kaibigan ni John kay Zuri.
*
Pumunta ako sa isang restaurant na hindi ko pa napupuntahan dati. Iba ang ambiance dito. Relaxing! Pero paano ako magre-relax kung ang dami kong iniisip?
Pumunta rin ako dito para makipagkita kay John at dahil medyo matagal na rin simula nung i-text ko siya (Actually, naki-text lang ako kay Cookie. Friends na kami. At paalala lang ulit, wag niyo siyang tingnan sa gabi. Nakakatakot! Eeehhh!!! Sooo skere!!! (Scary) Para siyang bangkay na nabuhay.) na pumunta siya sa lugar na ito. Kaya siguro magiinternet na lang ako. May website kasi na may libreng text.
Tinawag ko yung waiter na nagpupunas nang lamesa sa gilid ko. "Yes, ma'am?"
"Kuya, may Wi-Fi po ba dito?" Tanong ko.
"Naku ma'am! Wala po eh. Pero po meron kaming apple-fi, mango-fi at pamay-fi. Saan po ba doon?" Pie na ginawang Fi. Kuya talaga!
"Kuya, may tanong ako. KSP ka ba?"
"Ahaha! Juk! Juk lang ma'am. Hindi naman po ako ganun. Ano ako device?!" Hala! May sapi ata 'to.
"Kuya, PSP yun. Oh sige na nga kuya. Corny mo. Parehas tayo. Pero di nga, may Wi-Fi ba dito?"
"Opo, meron po kami kaya lang po wag niyo na pong subukan kasi napakabagal. Himala na nga lang pu kung makagamit kayo. Tsaka, para yung pagung na walang paa. Dahil naputulan kasi nasagasaan siya sa daan ng EDSA dahil nagaganap ang pagbubunyi tungkol sa--"
"Kuya! Awat! Kuya naman, isa lang ho yung tinatanong ko tapos ang dami niyo naman pong sagot. Yung totoo kuya! Balak niyo po bang talbugan yung Google o Bing o yung libro kong malaki? Baka magkawebsite kayo niyan. Naku! Igagawa talaga kita kuya. Pangalan? Itanongmokaykuya.com.ph. Oh sige na kuya. Baka dumating na yung kikitain ko."
Limang minuto ang lumipas.....
"Salamat naman at dumating ka. Alam mo bang kalahati ng kalahati ng isang oras plus kalahati ng tatlo minus isa kang huli?" Tapos inisip niya naman yung sinabi ko. Tapos napa- 'Ahhh' pa siya nung nakuha na ng utak niya.
"Sixteen minutes. Sorry. So, anong paguusapan natin? Ang weird lang." Sabi niya tapos may kinalikot naman siya sa kamay niya. Di ko makita dahil sa harang ng lamesa pero alam kong may kinakalikot siya dahil gumagalaw yung mga braso niya.
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
HumorKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...