Chapter 50
*************
Casey Andrea Salvador's P.O.V.
Pinark ni Ate Mia yung magara niyang kotse at hinila ako palabas. Lumabas naman ako sa kotse nang nakatakip yung dalawa kong tenga. "Oh, bakit ganyan ang itsura mo?"
"Alam mo ba ate kung gaano ka na katagal nagsasalita? Radyo ka ba? O baka unli ka lang."
"Sorry naman. Siyempre naaalala ko lang yung nangyari sa akin sa Paris. So I share it with you. Sige na, titigilan este babawasan ko na ang pagiging madaldal para sayo. I love you sis. Mauna na ako ha. I really have to see all those beautiful flowers." Tumakbo naman siya papasok ng Magic Blooms. Kung kasali lang siya sa karerahan na ginagamit ang heels, panalo na siya. Pero kung ako? Paniguradong subsob ang nguso ko sa daan. Malalaman ko na malamang ang tunay na lasa ng dumi. Taste the dirt, ika nga.
Pinanood ko na lang kung gaano siya kasosyal maglakad. Knowing that she wears heels. Ang graceful niya pa din. But, last time I checked, hindi ko nagustuhan yang heels na yan. Pero kung ganyan lang ako kasanay, siguro magugustuhan ko na rin suotin yun. Siguro kapag sinuot ko yan sa lahat ng tao, magiging mataas na yung tingin sa akin.
Naglakad na rin ako papasok. Pero napansin ko yung babae na may hawak na bouquet ng daffodils na may kasama ding orchids at dahlias.
"Ang ganda naman." Bulong ko. Nilapitan ko tuloy yung babae. Nakasuot ito ng shades at mukhang nagmamadali pa. Kababae niyang tao may bulaklak.
Lumapit tuloy ako para makita ang bulaklak ng malapitan at matanong na rin siya. Kaya lang habang palapit-palapit kami sa isa't-isa, nakita ko yung pamilyar niyang mataray na mata sa loob ng shades na yun. Kaya nalaman ko na yung babae pala ay si Leila. My greatest rival of all time.
"Wow ha. Ikaw na ba yung nanliligaw sa boyfriend mong hilaw?" Pabirong tanong ko. Di ko kasi mapigilan. Para akong bulkan, na may nagsasabing, "Ibuga mo na! Ano pa bang hinihintay mo pasko?" Tumingin siya sa akin na para bang di mapakali pero agad itong napalitan ng maarteng tingin.
"Wala akong panahon makipagusap sayo freak. Kontento na akong nilayuan mo siya kaya di na kita ginugulo. We have a deal. Kaya kung gusto mo na hindi tayo magaway sa ibang dahilan. Try to keep your mouth shut." At dali-dali itong umalis. Asar-talo talaga.
Nagtago tuloy ako sa isang kotse. Tiningnan ko kung saan siya patungo. At nakita ko, na papunta siya sa isang kotse sa di kalayuan. Tumingin ako nang maigi sa mga taong nandoon sa loob at biglang nagbaga ang mga dugo ko sa nakita ko. Nandoon ang lahat ng Black Angels. Pero di yun ang ikinagagalit ko. Yun ay yung nalaman ko na kabilang pala sa grupong yun ang isa ko pang taong kinamumuhian. Si Zuri. Ang nanira sa dating masaya kong buhay. Aba! Nagsama-sama pala sila. Ano 'to teamwork? Mga traidor talaga. Dapat sa simula pa lang hindi ko na pinaniwalaan ang mga demongyong ito na halang ang mga bituka.
Pinabayaan ko na lang sila at kinalimutan ko panandalian ang galit ko. Pumasok na lang ako sa Magic Blooms kung saan nakita ko si ate na pinagmamasdang maiigi yung mga bulaklak na nakadisplay.
"Ate!" Tumingin naman ito sa direksyon ko at ngumiti. Lumapit naman ako sa kanya. "May napili ka na ba?"
"Wala pa nga kasi ang daming magaganda hindi ako makapili. Pero may nagustuhan naman na ako. Ang ganda pala dito. Katunayan, may imported flowers pa nga sila. Just perfect for the event. Ah Casey, may grand event pala ako sa susunod na Lunes. Gusto mo maging model? Alam kong wala kang hilig pero subukan mo. Please? Sigurado mageenjoy ka doon."
"Ate naman, ang kati-kati ng make-up, yung heels naman kapag hindi ka nagingat ng konti imbes yung prince charming mo yung mahalikan eh yung sahig ang nahalikan at yang damit niyong sexy ay masyadong revealing. Tandaan mo ate modelo kayo hindi call girl. Bakit kailangan ganun?" Tiningnan ko kung maoofend siya sa sinabi ko. Pero tumawa lang ito.
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
HumorKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...