Secret Admirer- The Bad Boy is in Love?

1.9K 68 0
                                    

Thank you po sa mga nagbabasa. Please vote and comment if you like. Medyo, malapit na po ang main story at medyo matatagalan po ang pagbubunyag ko ng mga twist. Madami pa pong mangyayari. So, I hope you guys will support it.

Thank you!

Lovelots,

AnneKulit10

€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€

Shin Joshua Fuentabilles

Gusto ko matulog ng maaga. Nababaliw na naman ako. Bakit di siya matanggal sa isip ko? AHH! Sana di nalang ako nagpahula. Nagkakatotoo eh. Ano ba 'to?

Alam niyo kung bakit? Judge this!

Kapag, naiisip ko siya, lagi akong ngumingiti....

Kapag, kasama ko siya nawawala yung problema ko....

Kapag, tumatawa siya, nababaliw ako....

Kapag, lumalapit siya bumibilis yung tibok ng puso ko...

Kapag, kasama ko siya feeling ko kumpleto na yung araw ko...

Kapag, nakikita ko siya parang nilagyan na ng mga bituin ang mga mata ko....

Ibang-iba kumpara sa mga pakiramdam ko sa mga naging girlfriend ko.

Nararamdaman ko na rin na kapag kasama ko siya unti-unti ng nawawala ang Shin na bad boy. Dahil, sa kanya. Sa kanya lang. Sa tingin ko nga in love na ata ako.

Napatakip ako ng unan ko. Ayan na naman, naiisip ko na naman. Kaya, ayoko pumunta sa tree house eh. Tawa kasi ako ng tawa. Ni hindi ko alam kung bakit. Nilagay ko sa side ang unan ko. Then, kinuha ko ang palm-size ball ko sa cabinet.

Shinoot ko ito sa naka-attached na ring. Na-shoot ko naman.

Parang puso mo, shinoot mo ang puso mo sa puso ko. Kaya ayan, naka-score ka tuloy. Alam ko naman imposible na magkita tayo.

Bigla naman bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Nakita ko si mommy. Ang weird nga! Kasi, parang dahil doon, kaya di ko na magawang magalit sa parents ko. Kung hindi nila ako pinilit na pumunta doon. Siguro, hindi ko siya makikita o makikilala man lang.

She changed some part of me.

"Shin! May bisita ka sa baba. Come down." Tumango na lang ako at bumaba na si Mommy. Sino namang bisita yun? Tinawag ako dahil, bisita ko daw? Himala!

Nagsuot na lang ako ng matino kong t-shirt. Bumaba na ako to see my visitor daw. I wonder kung sino. Siguro, di ko 'to kaibigan. Kasi, wala naman akong kaibigan. Kahit.....isa. Fan girls pwede pa, pero friends. As in WALA. Kaaway ko siguro 'to from somewhere. Maybe, isa sa mga sinapak ko.

Nasa baba na ako ng stairs, titingin pa lang sana ako kaso, biglang may yumakap na sa akin.

O___O

"Shin! Thank you talaga! Simula ngayon, you'll be my friend." Friend? Friend lang. Di ba pwedeng more than friend? Kasalan ko din eh. Di pa nga nanliligaw, gusto kami na. Agad-agad?

"Hey! China-chansingan mo na naman ako. I know I am hot. But, please pwedeng bitiwan mo na ako?" Baka, kasi di ko mapigilan at di lang kita mayakap diyan.

"Sira! AB normal. Nag-thank you lang eh. Sorry naman. Ganito kasi ako eh. Sweet!"

"Sweet o Flirt?"

"Anong flirt ka diyan? Isa ka nga lang naging BF ko at seryoso pa yun. Tapos, flirt? Eh, ikaw nga ang dami mong fan girls na ginawang GF. Tanong ko lang, ni-isa ba may siniryoso ka?" Tanong niya. Actually I have one serious relationship!

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon