Chapter 48
***************Casey Andrea Salvador's P.O.V.
Kakapunta ko lang ngayon kay Andrei para sabihan siya sa balak ko. Buti nga at pumayag ito. Kailangan ko na lang mag-take ng mga special exam.
Nasabihan ko na rin pala ang mga magulang ko tungkol sa pag-alis ko ng isang buwan sa Oxford. Masaya nga ako ngayon dahil alam kong suportado nila ako sa balak kong gawin.
Ilang ulit nga nila tinanong kung bakit. Pero hanggang ngayon wala silang makuhang sagot. Hanggang ngayon hindi nila alam yung dahilan sa pagpupumilit kong umalis. Ni sarili ko nga di masagot yun. Pero isang bagay lang ang iniisip kong baka sagot sa dahilan na iyon.
It's Kevin. Nasasaktan na ako sa pagtrato niya sa akin. Sa asal niya. At kung gusto kong may matira pang respeto ko nang kahit na konti sa kanya, eto lang siguro yung naisip kong paraan.
Yung lumayo...
Para maisip niya na para din sa kanya yung sakripisyong ginagawa ko.
Biglang tumunog yung phone ko kaya dali-dali ko namang kinuha ito mula sa shoulder bag ko at binasa ang dumating na mensahe.
From: Ate Mia
Sis! Nandito na ako sa bansa. Nalaman ko na rin pala yung balak mo. I'll talk to you later. Puntahan mo ako dito ha.
Nandito na pala si Ate Mia. Natuwa ako kasi sa wakas may karamay na ako. Yung alam kong may isang tao na mapapagsabihan ko talaga ng lahat ng nararamdaman ko.
"Sure Ate Mia. Pupuntahan kita diyan mamaya." Sambit ko kasabay ng pagsend ko.
Last day ko na pala ngayon dito sa Oxford. Siguro susulitin ko na lang 'to kasama ng mga kaibigan ko.
*
"Guys, bakit ganyan yung mga mukha niyo?" Nakabusangot kasi silang lahat.
"Kanina kasi dumaan si Miss." Sagot ni Ayana.
"Tapos?"
"Tapos sabi niya tungkol daw sa pag-ibig yung debate. Anong gagawin namin? Wala kaming alam sa pag-ibig."
Tumawa naman ako. "Oh, anong tinatawa-tawa mo? Tss! Pambabae lang naman yun. Bakit kailangan kasali pa kami? And to think that its boys vs. girls." Tanong ni Shin na halatang inis na inis.
"Ang dali lang kaya." Sagot ko naman sa kanila.
"Palibhasa kasi may karanasan ka na."
"Yun kay Ken? Isa kaya yung mapait na karanasan. Kaya madami akong napulot sa mga pag-ibig na yan eh. For me, it's just a piece of cake."
Kinalabit naman nila ako at tinuro ang nasa likod ko. "Wag kang pasisigurado, Ms. Salvador. Tandaan mo na nandito pa ako. Panigurado di mo ako matatalo." Tumayo ako at humarap sa nagsalita. Kaya ngayon magkatapat kaming dalawa.
"Ang daming mga pa-epal talaga." Bulong ko.
"Excuse me, Mr. Aragon," panimula ko. "Katulad nga ng sinabi ni Shin, ang mga lalaki walang alam sa pag-ibig. So, how can you say that? Eh kayo nga ang mahilig manloko sa mga kababaihan. Aminin na lang natin na isa lang ang ibig sabihin nun, yun ay wala talaga kayong alam sa pag-ibig kundi manloko. So excuse me lang ha, maghanda na lang kayo." Sabi ko sabay upo. Ano akala niya hindi ko siya papatulan? Excuse me talaga sa kanya.
"Aist! Ang yabang niya talaga." Sabi ko kasabay nun ang pagirap ko.
"Kalma Casey. Parang wala kayong pinagsamahan ah." Wika ni Kim.
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
HumorKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...