Secret Admirer- Something Fishy

3.1K 86 0
                                    

💗Meet Kimberly Gonzales and Ayana Lopez (New Characters)

**********************************************************************************************

Casey Andrea Salvador's P.O.V.

"Kuya, nandito ka pala! Are you okay?" tanong ko.

"I'm fine." sagot niya. Sabagay, medyo nagamot na siya sa clinic. Grabe naman kasi itong si Kuya Panget. Isipin mo di man lang lumaban. So, magpapasuntok siya. Ganun?

Napansin ko rin na sa kinikilos at itsura niya ngayon para bang may gusto siyang itanong sa akin or imagination ko lang 'to?

"Spill it, kuya. Halata naman e."

"What?" He gave me a 'confuse look'. Denial masyado. Ayaw pang umamin.

"Ano yun? Ano yung sasabihin mo?"

"Di--di ba siya yung nagligtas sayo? Yung lalaki kanina." tanong niya. Yun lang pala. Nagpakahirap pa akong pilitin siya.

"Yup! Why?"

"Wala lang. Masama magtanong?" Oo masama basta IKAW!!!

Inirapan ko nga at papasok na sana ako kaso...

"Wait!" he called out. Lumingon naman ako.

"Thank You!" sincere na sabi niya. Wow! First time. May himala!! Anyare? Nabunggo ata 'to kanina. Magpabugbog ka kaya palagi, para bumait ka naman kahit KONTI. Musta naman?

"Sus! Wala yun. Ang coward mo kasi kaya ako nakipagaway. Hirap maging panget noh? Inaapi." Pang-aasar ko.

"Di ako duwag at lalong hindi ako panget. Pasalamat ka at kapatid kita 'kundi---" Kung hindi...Ano? Baka ikaw pa nga ma-brutalan ko. Try mong ituloy. Asar talo kasi e.

"Edi, thank you! Dahil kapatid kita." Eh, sabi niya magpasalamat ako. Edi yan. Ang bait ko nga di ba?

"Tss...Pasok ka na nga, kakausapin ka pa ni Kuya Cyfer."

"Okay." tapos, pumasok na ako ng tuluyan sa loob ng bahay namin. Sumunod naman si Kuya Panget."

He's right! Kuya talked to me nga with a worried face. I explained naman kung ano ang nanyari kanina. Tapos, natulog na ako kasi maaga pa pasok ko bukas. Tsaka, nakakapagod kaya.

*******OXFORD ACADEMY*******

Nagle-lesson kami about sa Financial Accounting and Reporting. Mga churvanes lessons. Nakinig lang ako. Nakakatamad today, wala ako sa mood. Sa totoo nga, lahat kami. Walang gana. Friday na kasi. Kaya eto kami, NGA-NGA. Puro numbers na ata ang utak ko. Napupuno na. Di ba pwedeng break muna? Ang hirap maging estudyante. Aral dito, Aral diyan. Puyat dito at walang tulugan.

Akalain mo dinaig pa si Master Showman? Hintay-hintay din pag may time.

After ng dalawang subject for 5 hours. YES!! Lunch na. Mayaya nga si Mokong. Pero teka, magkabaliktad na ang mundo ngayon ha, ako na talaga yung nagyaya. Babae na talaga. Kaso, asa naman kayong yayain niya ako bumaba. Eh, SUPER TAMAD yan.

"Hey! Hurry up! Nagugutom na ako." Tumingin siya sa akin. (- _-)

"Sa tingin mo sasama ako? ULIT for the nth time" Ay! Sungit ni Kuya. May Red days? Pero, ano ka! Nagugutom na talaga ako at pag nagutom ako baka kainin ko kayo.

Deja vu! Ulit scene. Parang alam ko na 'to ha.

"Eh, kung batukan kita?" Pananakot ko. Inulit ko talaga yung dati nung nagkita kami.

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon