Secret Admirer- Epic Fail

1.6K 53 0
                                    

Chapter 43

**************

Casey Andrea Salvador's P.O.V.

Nasa kwarto ako. Nakatapat sa laptop ko. Tinitingnan ko kasi ang mga pictures ni Kevin dito sa Facebook. Pero bago ang any violent reactions. Siyempre may eksplenasyon 'to.

May hinahanap akong larawan namin na sabi niya nilagay niya daw sa FB niya. Ako naman itong naghanap. Ni hindi ko nga alam kung anong itsura ko doon.

Ayun na nga! Pinindot ko yung isang Album at nakapangalan pa itong... "Whaatttt? Bakit tabatchoy? At tabatchoy pa talaga ang napili niya sa lahat." Ilang ulit ko na nga siyang sinabihan na wag akong tatawaging ganun. Kulit niya ha! Kevin talaga.

Nakita ko ang mga larawan namin. May mga pictures na kinuha niya nung tulog ako, nung pinipisil niya yung pisngi ko, nung nakaakbay siya sa akin at nung nakatalikod ako.

Pero di yun yung umagaw sa atensyon ko. Ang nakakuha ng atensyon ko ay yung kuha namin sa ferris wheel. May caption kasi itong:

( 'I love my bestfriend.' :) ).

Aw! Ang sweet naman niya. Naalala ko tuloy yung panahon na na-trap kami sa loob ng ferris wheel. Pilit ko pa ngang inagaw ang phone niya para burahin yung picture ko doon eh. Kaso lang di ko nagawa dahil sa sobrang takot.

Tumunog naman yung laptop ko. May nagchat lang pala. "Uyy! Si Drake."

Drake Del Mundo: Anong ginagawa mo?

(Hala! Kailangan kong magpalusot.)

Casey Andrea Salvador: Nagta-type.

Drake Del Mundo: Tss! Anong pinagkakaabalahan mo ngayon?

Casey Andrea Salvador: Nanonood ng movie.

(Palusot ko na naman. Pero okay lang yun kaysa naman mabuko.)

Drake Del Mundo: Talaga? Parehas pala tayo. Ano ba yung pinakapaborito mong palabas?

Casey Andrea Salvador: Gustong-gusto ko na ngang sabihin sayo 'to. Honestly eto, I love you. Mahal kita in tagalog. Sorry! Di ko naman alam na mangyayari 'to.

Drake Del Mundo: Totoo ba 'tong nababasa ko? Hahaha! Don't worry the feeling is mutual. So, totoo pala ang mga hinala ko noon?

(Eh? Ano bang pinagsasabi niya?)

Casey Andrea Salvador: Huh??? Mahal mo ako?

Drake Del Mundo: Oo aaminin ko na. Di ba mahal mo rin naman ako?

Casey Andrea Salvador: Ang ibig kong sabihin yun yung paborito kong palabas. Kasi di ba sabi ko ayoko ng mga Romance na yun na ipinapanuod mo sa akin. Pero ngayon paborito ko na. Pero ano bang sinasabi mo? Joke ba yun? Huy! Seryoso ako.

(Grabe na ang mga biro niya. Di ko na tuloy alam kung totoo na.)

Drake Del Mundo: Sabi ko nga, joke lang yun. Oo maganda nga yung movie na yun. Sige out na ako ha. Ang epic fail ko na naman kasi.

Casey Andrea Salvador: Huh? Bakit ka naman epic fail? May kailangan ba akong malaman?

Drake Del Mundo is now offline.

"O...kay. Anyare? Mga tao talaga. Hindi na maintindihan ngayon. Problema nila?" Parang yung isang 'to. Ang lakas mangtrip.

Una, yung utang ko na 143 na sabi niya I love you daw ang meaning, pagkatapos naman ito.

Pero di naman niya ako sobrang pinapansin. So, why assume right?

*

"Casey! I have a good news." Masayang wika sa akin ni Kevin.

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon