Secret Admirer- Trap between the Two

1.3K 45 0
                                    

Chapter 60
***********

Casey Andrea Salvador's P.O.V.

"Ikaw?" Nakakagulantang na tanong ko. Gusto kong mag Ows? Weh? Di nga? Totoo ba ito?

"Anong ako miss?" Lumingon siya sa akin. "May kailangan ka?" Tanong ng isang lalaki na yung mukha (Next topic).

"Ikaw ba yung hinahabol ko kanina? Yung parang ninja?"

"Miss Andrea, alam kong gwapo ako pero may pagka-torpe din po ako. Maganda nga po kayo pero siyempre loyal ako sa pizza pie ko." Sabi niya sabay akbay sa babaeng katabi niya. Abno ata ito. Gwapo daw. Eh mukha nga siyang snatcher sa kanto. At tawag niya pa sa gf niya pizza pie. Di ko maintindihan kung lait ba yun o sadyang wala lang siya maisip. Tiningnan ko yung babae. Sabagay, mukha kasi siyang triangle. Hard ko noh. "Hindi po ako yung hinahabol niyo. Kanina pa po kami naririto."

"Ganun ba? Salamat. Pero may nakita ba kayong lalaki na nakaitim na jacket na tumatakbo rin?"

"Wala po eh. Bakit po ba? May gumawa ba sayo ng masama?"

"Wala naman. Sige." Tumingin ulit ako sa paligid ko. Saan na ba yung jacket man na yun na kamag-anak siguro ng mga ninja turtle. Galing na nga tumakbo, ang galing pang magtago. Imba!

"Hoy! Yung hinahabol ko kanina. Mr. Stalker! Magpakita ka. Di ako magagalit. Promise! Lumabas ka na diyan. Bakit ka ba kasi nagjajacket ha? Alam mo Mr. Stalker." Bagong tawag ko sa kanya. "Ang pilipinas ay isang malaking oven. Ang init! Tapos, ikaw makikita ko pang nagjajacket ka. Yung totoo. May balak ka bang ma-heat stroke?" Napailing pa ako.

Kaya lang, ilang minuto na akong naghahanap sa kung saan sa paligid siya pero wala pa rin. Saan kaya yun?

May narinig akong tunog sa loob ng maintenance closet. Di kaya nandoon siya?

Huli ka balbon! Hahahaha. Parating na ako.

Gwapo kaya siya? Anong itsura niya? Curious ako. Maghintay lang siya.

Kumakanta pa ako ng ~lalalalalala~ habang palapit. Eto na ako! Hinawakan ko yung maliit na bukasan at marahang binuksan iyon. At..... "Huy!"

"Gaahhh! Anak ng kalbong daga. Sino kang hayop ka? Magpakilala ka." Lumingon ako sa panira moment. At pagkakataon namang masunurin. Isa nga siyang panira. Pero uyy... Boyfriend ko pa rin yan. Hinampas ko tuloy. Oh! Laban kayo? Hampaserang girlfriend na ituuuu! "Shin, napadalaw ka ata." Malapit ko na ngang malaman, dumating pa talaga ito. Bakit ba lagi na lang ito wrong timing? Sa susunod ko na nga lang hahanapin yung taong ayaw naman magpahanap at magpakita.

"Napadalaw? Ano 'to, bahay mo? Nagaalala kasi ako sayo kasi di ka sumabay sa dalawa mong kaibigan. Nilandi pa ako ng isa. Tara na. By the way, do I look different?" Tiningan ko naman siya.

"Wala namang nagbago ha." Sagot ko. Di siya nagsalita at nakatingin lang siya sa akin na parang nagsasabi 'Yun na yun.' Nagets ko na tuloy. "I mean, ang gwapo mo. Ako ba? Maganda ba ako?"

"Lagi naman." Namula tuloy ako. Hinawakan niya ako sa kamay. Sabay na kaming umalis doon at pumunta sa gitna kung saan nagaganap yung foundation.

"Andrea, bakit ka nga pala nandoon?" Tanong sa akin ni black forest. Pero di ko sasabihin. Napagdesisyunan ko na kasi na wag na lang aminin. Baka pigilan niya pa ako sa balak kong alamin kung sino yung taong yun.

"W-wala. May nakalimutan lang akong kunin." Sayang yung kanina. Biruin mo. Mahuhuli ko na kung sino yung taong parating nagbibigay sa akin tapos darating pa ang no. 1 fan sa pagsira ng moment ko. "Kinuha ko lang saglit. Tapos naligaw ako kaya napunta ako doon."

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon