Chapter 66
**************Casey Andrea Salvador's P.O.V.
"Nandito na ang yate! Pack up na tayong lahat." Sigaw ni Mr. Binugbog. Wag kayo ha. Yan talaga ang apilido niya. Isa siyang manager ng mga klienteng kumuha sa amin. Siya rin ang may-ari ng dalawa sa yate.
Tapos na akong maligo at naimpake ko na yung gamit ko. Kinuha ko na lang yung maleta ko at bag. Tiningnan ko naman yung tuhod kong nilagyan ko ng band-aid. Arush! Wala na sa ngayon ang flawless skin ko. But I know, 'Time heal all wounds.'. Oh di ba ginamit ko talaga ng literal. Isang malaking check ako!
Pagkatapos magayos ng lahat, sumakay na kami sa yate. Uuwi na kasi kami ngayon. Tapos na kasi lahat. Pipirma na lang ako ng kontrata para sa release ng commercial.
Sa anim na yacht, (dahil maraming ring gamit) nandoon kami sa una. Puro V.I.P. nga ang tao sa loob nito.
Nakita kong pumasok na si Kevin. Di ako makatingin sa kanya. Lalo na sa sinabi niya. Paano ko haharapin si Shin?
Magpapanggap ulit ako na wala lang? Ayokong saktan siya. Hindi ako ganun. Kaya pinipigilan ko ito.
Hanggang magkaibigan lang kami.
*
Bumalik na kami sa port. Ano na kayang nangyari? Miss na miss ko na ang sibilisasyon.
Lumapit si Kevin sa akin. "Andrea, hatid na kita." Sasama ba ako o magpapakipot?
Sige na nga. As friends lang. Nakakatamad magcommute at ayoko naman sumabay kay ate na sobrang ingay. Isa pa, pinahatid na kasi ni Kevin yung kotse niya rito kaya nakapark na malamang yun ngayon sa lugar na ito. "Okay." Sagot ko saka sumunod sa kanya.
Pumasok na kaming dalawa sa loob ng kotse niya. Di pa rin ako makatingin sa kanya. Dahil konting-konti na lang sasabog na ako. Lagi siyang ngumingiti tuwing titingin sa akin. Sobra ngang nakakailang.
Kaya tuloy, nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng kotse niya. Pinapanuod ko yung mga snatcher, tambay sa kanto na sumisinghot ng rugby, nanay na nagpapa-breast feeding sa mga cute babies, mga magsyotang todo kung mag-PDA at mga taong nakajacket at may suot na makakapal at mahahabang damit o kaya pantalon habang naglalakad sa ilalim ng tirik ng araw.
Tapos napansin ko sa side mirror yung kotseng itim. Pinagmasdan ko pa ito saglit kung tama nga ang hinala ko. Pero para talagang kanina pa nito kami sinusundan. Nabahala tuloy ako.
Bakit ba ang dami kong stalker?
"Kev." Lumingon ito saglit sa akin bago nagtanong ng 'Bakit?' "Parang sinusundan ata tayo ng itim na kotse. What do you think?"
Lumingon rin siya sa side mirror. "Sige. Lilituhin ko sila. Relax!" Lumiko siya nang mabilis at lumiko rin yung kotseng iyon. Basta kung saan yung punta namin ganun din yung punta nila. Nakakapagtataka talaga. Hindi pa rin sila natinag at nalito. Di naman siguro iisa ang pupuntahan namin.
"Baka kidnapper yan. Anong gagawin natin?" Tanong ko habang nangninginig na tumingin sa itim na kotse na sumusunod sa amin.
Ginilid ni Kevin yung kotse malapit sa damuhan at itinigil ito. Tumigil rin yung kotseng sumusunod sa amin. "Stay calm. Just stay with me if you want to come near. Okay?" Tumango ako.
"Magingat ka Kev." Paalala ko bago niya buksan yung pinto. Ohmaygahd.
Lumabas siya. Paano kung masaksak siya sa internal organs? Paano kung mabangasan ang napakagwapo niyang mukha? Kargo ko pa kapag nangyari yun. Lumabas na rin ako tuloy at tumayo sa medyo ligtas na distansiya.
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
UmorismoKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...