Secret Admirer- Pretend

1.8K 52 0
                                    

Chapter 35

****************

Casey Andrea Salvador's P.O.V.

"Baba ka na nga baby Casey." Nakakainis na 'tong Shin na 'to.

"Anong baby ka diyan? Gusto mo sapak?" tinaas ko pa yung kamao ko.

"Cool off! Ang init na naman niyang ulo mo. Para kang matanda." Sabi niya. Bumaba naman siya sa kotse at umikot sa tapat ng pintuan ko. Nakabukas naman yung bintana ko sa gilid kaya naman maririnig ko siya. " O, sige. Wag ka bumaba diyan ha. Good luck! Kung ayaw mo talaga edi wag ka bumaba. Walang pumipilit sayo. Basta kung masuffocate ka diyan..." Oo nga noh! Kanina pa kasi kami nandito sa loob ng kotse dahil sa akin. "Invited ako sa libing mo." What?! Sinamaan ko tuloy siya ng tingin. "Joke! Joke lang. Relax!" sabay bawi niya.

"He! Umalis ka nga muna! Susunod na lang ako." Sabi ko.

"At alam mo ba kung nasaan sila?"

"Tss! Kaasar! Oo na! Sasama na ako." Kahit kailan talaga! So, bumaba na ako sa kotse niya at padabog na sinara ang pintuan.

"Hoy! Kotse ko yan. Makadabog 'kala mo sa kanya. Mercedes Benz kaya yan. Umayos ka! Mas mahal pa yan sa buhay mo."

"Excuse me? I am worthless. Tsaka, wala akong pakialam sa kotse mo!" sigaw ko sabay sipa sa kotse niya.

"Casey! Hoy malas girl! Ano ba?! May balak ka bang sirain yan? Tara na nga lang at baka di lang yan ang abutin ng kotse ko sayo." Reklamo niya. "Palibhasa kasi wala kang kotse." Bulong niya na narinig ko naman.

"Ano? May sinasabi ka? Bubulong ka na nga lang maririnig pa. Gusto mo itulad kita diyan sa kotse mo ha? Tsaka, FYI lang ha, magkakaroon din ako niyan. Maghintay ka lang. And please can you shut up just even for a minute? Kasi kung hindi magkakablack eye talaga 'tong kotse MO." Oo nagkakablack eye yung kotse. Walang pakialaman! Ako nagpauso niyan.

"Okay. 60, 59, 58, 57-"

"Ah. Tinutuloy mo? Pwes! Eto ang bagay sa kotse mo!" Sinipa ko ulit yung kotse niya. "Wag ka magalala isusunod kita. Invited din ako sa libing mo ha?"

Hinawakan naman niya ako at nilayo. "Hoy! Tama na! 'To naman di na mabiro. Ang cute cute mo nga lalo na 'pag ganyan ka."

"Talagang hindi mo ako mabibiro! Kaya don't dare to speak." Alam niya yung salitang seryoso ako.

Katahimikan. Salamat naman at marunong na 'tong makaintindi. "Tara na!"

-Mall-

Ang tamihik naman ata. Pasalitain ko na nga lang ang isang "to. "Magsalita ka na nga lang." wika ko sa katabi kong sineryoso as in ang sinabi ko.

"Kanina pinapatahimik mo ako tapos ngayon papasalitain mo ako. Hibang ka ding babae ka. Ano ba talaga?"

"Eh, nambibwisit ka kanina. O sige na magsalita ka na. Mapagkamalan ka pang pipe diyan."

Bigla naman akong kiniliti nitong katabi ko sa gilid ng tiyan ko. "Shin! Ano ba?! Nakikiliti ako." Inaalis ko tuloy yung kamay niya.

*BOOGSH

May nakabunggo tuloy akong babae. Nakakahiya! Nalaglag pa yung mga gamit niya. "Ano ba yan?! Bakit ba lagi ako may nakakabangga?" Saad ng babae.

"Sorry miss!" tutulungan ko na sana siya nang biglang may tumawag sa pangalan ko. "Casey!" napatunghay tuloy ako at nakita si Ivan. "Ivan! Long time no see. Musta na?" Bati ko sa kanya. Siya yung date ko dati. Akala ko di na kami magkikita. Nagpapasalamat pa naman ako sa kanya dahil kung di dahil sa kanya di ako matatauhan.

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon